Barbie Imperial astig sa ‘Batang Quiapo’, ready sumabak sa action scenes
ANG astig ni Barbie Imperial sa unang labas niya sa “FPJ’s Batang Quiapo” na nakalaban ni Coco Martin sa larong lucky 9 na ang ipinangtaya ay ang Ferrari sports car na nagkakahalaga raw ng P19 million.
Gagampanan ni Barbie ang karakter na “Tisay” na tinalo ni Tanggol sa sugal kaya nakuha ng huli ang mamahaling sasakyan nito na ang ending ay isa pala itong hot car o carnap kaya hindi naibenta ng grupo ni Coco ang kotse sa car dealer.
Ang tanong ng mga tagasubaybay ng “Batang Quiapo” ay ano ang magiging kaugnayan ni “Tisay” kay Tanggol?
Siya nga ba ang lucky charm sa pagyaman ni Tanggol na base sa trailer ay magbabago na ang buhay ng kilalang sanggano ng Quiapo kasama ang mga kaibigan nito.
Samantala, sobrang saya ni Barbie sa kanyang pagganap sa bagong karakter na si Tisay, isang singer at sugalera na maaaring magdala ng swerte o patong-patong na kamalasan sa buhay ni Tanggol.
Baka Bet Mo: Richard Gutierrez huli, pinusuan ang bikini pic ni Barbie
“I am very grateful and thankful to the whole staff of ‘Batang Quiapo’ especially kay direk Coco dahil ako ang napili nila na mag-play ng role ni Tisay,” sambit ng aktres.
Handa na rin sa bakbakan si Barbie kung sakaling may ipapagawang actions scenes para sa kanyang role.
“I tried Muay Thai and boxing para lang ready ako if ever may papagawang action scene sa akin si direk Coco. ‘Yun aksyon talaga ‘yung genre na gusto kong ma-try because I’ve never done it before. I’m very excited,” sey pa ni Tisay.
Sa kasalukuyang kuwento ng “FPJ’s Batang Quiapo,” mukhang magkakatotoo na ang pagyaman ni Tanggol matapos niyang mag-uwi ng milyon-milyong halaga ng pera nang talunin si Tisay sa pagsusugal.
Si Tisay na ba ang susi sa pagtuloy-tuloy na pagyaman ni Tanggol o may dala rin siyang panganib sa buhay ni Tanggol?
Kaya abangan ang FPJ’s Batang Quiapo na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube.
I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Batang Quiapo.”
Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.