Kazel Kinouchi binulabog sa hiwalayang Richard-Sarah

Kazel Kinouchi binulabog sa hiwalayang Richard-Sarah: Wala akong kasalanan!

Ervin Santiago |January 09,2024
facebook
share this

Kazel Kinouchi binulabog sa hiwalayang Richard-Sarah: Wala akong kasalanan!

Ervin Santiago - January 09, 2024 - 07:10 AM

Kazel Kinouchi binulabog sa hiwalayang Richard-Sarah: Wala akong kasalanan!

Kazel Kinouchi, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

NA-BOTHER din ang Kapuso actress na si Kazel Kinouchi nang pagbintangan siyang third party sa hiwalayang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Nu’ng pumutok ang naturang chika ay natatawa lamang siya ngunit nang tumagal-tagal na ay nag-alala na rin siya dahil marami na ang naniniwala sa mga fake news sa social media.

Ayon sa aktres na napapanood sa hit Kapuso afternoon series na “Abot-Kamay Na Pangarap”, wala talaga siyang idea kung bakit sa dami ng artista ay siya pa ang itinurong dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Richard at Sarah.

Sa panayam ng “Sarap, ‘Di Ba?” host na si Carmina Villarroel, natanong niya si Kazel ng, “Ano ang naramdaman mo noong nadawit ‘yung pangalan mo sa breakup ng isang couple?”

Baka Bet Mo: After ng KathNiel breakup, Andrea damay din sa hiwalayang Miles-Elijah

Walang binanggit na mga pangalan si Carmina pero knows naman ng lahat kung sinong celebrity couple ang tinutukoy niya sa Trip to the Hotseat segment ng kanilang programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KK (@kazelkinouchi)


Sagot ng aktres, “Noong una, nakakatawa, kasi wala talagang katotohanan. Nakakatawa pero siyempre kapag medyo tumagal-tagal na, ang dami nang nambubulabog sa akin. Wala naman akong kasalanan.”

Ang the height pa, marami ang naniwala sa issue sa kanila ni Richard, “You’re innocent and people are made to believe these lies and they really believe, ‘di ba?

Baka Bet Mo: Xian Gaza trending na naman dahil sa hiwalayang Moira at Jason, pero bakit binanatan ng mga miyembro ng LGBTQ?

“It was saddening, but at the same time, naisip ko ‘yun nga na laging sinasabi, the truth will always come out. Ito rin ang lagi kong sinasabi, it will always come out,” aniya pa.

“Confident lang ako. I am at peace with that at saka as long as I am not doing anything against anyone, God is with me,” dugtong pa niya.

Sundot na tanong ni Carmina, “Naisip mo ba ever to defend or to speak up?”

Tugon ni Kazel, “I actually defended myself. Somebody asked me online on Instagram. Hindi ko alam bakit bigla na lang may nag-delete noon. Sabi ko talaga na no. They asked me, I answered straight up, no.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mariin pa niyang sabi, “For me, hindi ako ang dapat magsalita kasi ako ang nadawit dito.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending