Kathryn Bernardo ibinandera ang mga nagpapasaya sa kanya

Kathryn Bernardo ibinandera ang mga nagpapasaya sa kanya, nagmo-move on na?

Pauline del Rosario |December 16,2023
facebook
share this

Kathryn Bernardo ibinandera ang mga nagpapasaya sa kanya, nagmo-move on na?

Pauline del Rosario - December 16, 2023 - 10:44 AM

Kathryn Bernardo ibinandera ang mga nagpapasaya sa kanya, nagmo-move on na?

PHOTO: Instagram/@bernardokath

MATAPOS ang confirmed breakup, nagkaroon ng life update ang award-winning actress na si Kathryn Bernardo sa social media.

Sa isang Instagram post, makikita ang ilang litrato na ayon sa kanya ay nagbibigay saya sa kanya recently.

Makikita ang pictures ng nature, dagat, rainbow, pati na rin ang ilan niyang non-showbiz friends.

“Appreciation post for the little things that have been making me smile the past few weeks…[white heart emoji],” caption ng aktres.

Dagdag pa niya, “No looking back, only moving forward [rainbow emoji].”

Baka Bet Mo: Joshua damay din sa KathNiel breakup, panglalaglag kay Daniel fake news

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Ilan lamang sa mga nagkomento at nag-like sa post ay ang kapwa-artista na sina Sharon Cuneta, Chie Filomeno, Alora Sasam, Cassy Legaspi, Darla Sauler, Korina Sanchez-Roxas, at marami pang iba.

“Shot puno sa no looking back, only moving forward [clinking glass emoji],” sey ni Alora.

Komento naman ni Megastar Sharon, “Love you [red heart emoji].”

Lahad ni Darla, “Still can’t get over your WATER performance!!! [fire emojis] Kaya soooooo excited sa next chapter!!!”

Ang update na ‘yan ni Kathryn ay ilang oras matapos burahin ng kanyang dating partner na si Daniel Padilla ang breakup message nito para sa kanya.

Ito na kaya ang pasaring ng aktres na wala nang KathNiel comeback at second chance?

Anyway, speaking of deleted post, inalis na nga ni Daniel ang breakup message sa kanyang Instagram account.

Ang tanging makikita na lamang sa post ay ang throwback sweet picture nilang dalawa, ang solo photo ni Kath at ang caption na “Ikaw at ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong November 30 nang kumpirmahin ng dalawa na naghiwalay na sila matapos ang 11 years nilang magkarelasyon.

Mababasa pa nga sa post ng aktor ang mahabang mensahe para sa dating girlfriend kung saan inihayag niya ang kanyang pasasalamat dahil hindi siya iniwan nito kahit ano pa man ang pinagdaanan niya sa buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending