Joshua damay din sa Kathryn-Daniel breakup,

Joshua damay din sa KathNiel breakup, panglalaglag kay Daniel fake news

Ervin Santiago |December 12,2023
facebook
share this

Joshua damay din sa KathNiel breakup, panglalaglag kay Daniel fake news

Ervin Santiago - December 12, 2023 - 07:32 AM

Joshua damay din sa KathNiel breakup, panglalaglag kay Daniel fake news

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Zanjoe Marudo at Joshua Garcia

NADAMAY na rin ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa kontrobersyal na paghihiwalay ng kanyang mga kaibigan na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kalat na kalat na ang kasi ang isang Facebook post kung saan nilaglag daw ni Joshua si Daniel matapos kumampi kay Kathryn at kunpirmahing totoong may relasyon daw sina DJ at Andrea Brillantes.

Si Andrea kasi ang sinisisi ng mga KathNiel fans at ng netizens kung bakit nasira ang relasyon nina Daniel at Kathryn.

Lumabas din sa feed namin sa FB ang naturang post na in-upload  noong December 9. Mababasa rito ang “official statement” daw ni Joshua sa breakup ng KathNiel.

Kampi umano si Joshua kay Kathryn dahil alam daw ng aktor na  nagloko si Daniel. Narito ang kabuuan ng FB post.

“JOSHUA INILAGLAG SI DANIEL PADILLA.

“Joshua Garcia alam pala lahat ng kalokohan ni Daniel Padilla”, si Joshua ang pinalit ni Daniel kay Dominic.

Baka Bet Mo: Joshua Garcia single na single pa rin, umaming naiinggit sa mga kaibigang may mga dyowa

“Sorry bro Dj, but this time I’ll go for Kath. Matagal na kitang sinabihan na ayusin mo yung ginagawa mo at yung relasyon niyo ni Kath, pero hindi ka nakinig at tinuloy mo yung mga kalokohang ginagawa niyo ni Andrea.

“Akala ko makikinig ka pero lumalabas lang ata sa tenga mo yung mga sinasabi ko sayo.

“Yung sa Spain with Andrea, totoo yun. Sorry bro pero hindi kita pagtatakpan,” ang sabi pa raw ni Joshua.

Kasunod nito, may isang netizen ang nag-tag kay Joshua sa screenshot ng naturang post sa pamamagitan ng X (dating Twitter).

Sey nito sa caption, “@iamjoshuagarcia oh andami nauto mga tao nga nman , hindi talaga maiwasan na madami parin ang mga uto uto! Mga madali paikutin ng fake news how sad haha.”

Nang mabasa ito ng aktor, agad niya itong ni-repost at nilagyan ng caption na, “FAKE NEWS!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Matatandaang nitong nagdaang November 30 ay magkasunod na nag-post sa Instagram sina Kathryn at Daniel para amining hiwalay na sila after 11 years bilang magdyowa.

Baka Bet Mo: Daniel, Kathryn handang-handa nang sumabak sa bagong challenge ngayong 2023, may pa-surprise kaya sa V-Day?

Sey ni Kathryn, “I’m well aware of the rumors and speculations going around, and as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me; It’s true that Deej and I have decided to part ways.

“Like any relationship, we tried our best to make it work. We’ve been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can’t go back to were we used to be.

“It just won’t be fair to pretend that everything is still the same,” aniya pa.

Pahayag naman ni Daniel, “Pagibig. Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito,

“Isang malaking biyaya ang pagmamahal.

“Ang mahalin ka. At mahalin mo.

“Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.

“Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Our lives may drift away, but our love will still ride that tide,” ang bahagi pa ng naging mensahe ni DJ para kay Kath.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending