Josh Cullen game na game sumabak sa aktingan

Josh Cullen game sa aktingan: ‘Gusto ko parang psycho, ‘yung medyo uncommon’

Pauline del Rosario |December 17,2023
facebook
share this

Josh Cullen game sa aktingan: ‘Gusto ko parang psycho, ‘yung medyo uncommon’

Pauline del Rosario - December 17, 2023 - 10:52 AM

Josh Cullen game sa aktingan: ‘Gusto ko parang psycho, ‘yung medyo uncommon’

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

BUKOD sa pagiging performer, nais na ring subukan ng SB19 member na si Josh Cullen ang magkaroon ng acting career.

‘Yan ang sinagot niya mismo sa BANDERA matapos namin tanungin kung gusto niyang i-try ang pag-arte sakaling may mag-offer sa kanya.

Pagbubunyag pa nga ni Josh, noon pa man ay marami na ang nag-aalok sa kanya ng acting project.

Hindi lang, aniya, ito tinatanggap dahil mas gusto niyang mag-focus na muna sa kanyang musc career.

“Maraming nag-offer na po sakin talaga. As in sobrang dami…pero po I always choose to perform kasi before, and siyempre sa schedules medyo mahirap talaga,” sagot ng Pinoy pop idol.

Dagdag niya, “Pero right now, I’m considering it na magkaroon nga siguro ng acting career kasi ever since hindi ko inimagine ang sarili ko sa pag-a-acting.”

Baka Bet Mo: Josh Cullen sa single na ‘Get Right’: It’s a declaration of my return sa solo journey ko

“Pero being an artist is also part of the– siyempre, acting. Kasama ‘yan sa paggawa ng music video and it’s a good thing to explore din,” paliwanag niya.

Nang tanungin naman namin kung ano ang dream role niya sakaling magkaroon na siya ng sariling pelikula.

Sey niya, “‘Yung role, gusto ko talaga psycho eh, something like that ‘yung medyo uncommon.”

“Kasi feeling ko, I’ll do good on those kinds of roles since I love playing horror games and I love watching thriller movies,” ani pa niya.

Kamakailan lang, si Josh ay humarap sa media upang i-promote ang kanyang bagong solo single na may titulong “Get Right.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi niya na ang kanta ang nagsisilbing marka ng kanyang pagbabalik sa kanyang solo journey.

Nabanggit din niya na marami ang aabangan sa kanya, pati na rin sa P-Pop sensation na SB19 sa pagpasok ng 2024, kabilang na riyan ang ilalabas niyang solo album, at ang mga solo projects pa ng iba niyang ka-miyembro.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending