SB19 Josh umalma na sa height shaming: Stop it...minsan nakakarindi na rin | Bandera

SB19 Josh umalma na sa height shaming: Stop it…minsan nakakarindi na rin

Ervin Santiago |June 27,2021
facebook
share this

SB19 Josh umalma na sa height shaming: Stop it…minsan nakakarindi na rin

Ervin Santiago - June 27, 2021 - 09:02 AM

NASAGAD na ang pangdedema at pagtitimpi ng SB19 member na si Josh Cullen Santos sa ginagawang “height shaming” sa kanya ng mga bashers sa social media.

Hindi na nagugustuhan ni Josh ang mga panglalait at pang-ookray ng ilang netizens sa kanyang height na 5’6″ kaya naman naglabas na siya ng sama ng loob hinggil dito.

Idinaan ng binata sa Twitter ang ang kanyang mensahe para sa mga taong walang ginawa kundi ang gawing katatawanan ang kanyang height.

“Ngayon lang ako magsasalita about dito. Siguro mas ok kung ilalabas ko ito in a way para ma educate yung mga tao na hindi nakakaramdam,” simulang tweet ni SB19 Josh.

Patuloy pa niya, “Pero hindi niyo kina-cool ang pang height shaming. Hindi ako katangkaran katulad ni Justin at hindi rin ako pandak katulad ng inaakala niyo.

“Everytime na may masasabi na maliit, irerelate niyo agad sakin at sasabihin niyo kaagad na maliit ako.

“Hindi niyo kina aangat yun. Yung totoo, wala na ba tayong maisip na ibang joke na masarap naman pakinggan?” pahayag ng binata.

Okay lang naman daw na biruin siya pero may hangganan naman daw ang lahat lalo na kung nakaaapekto na ito sa mga taong tinutukso at iniinsulto.

“I’m 5’6. Hindi wide ang shoulders ko at body figure ko kaya I’m working hard para mag workout at maging ideal yung features ko.

“Di ako sensitive person, pero be mindful naman siguro na hindi sa lahat ng oras kailangan ganun yung biruan.

“Kahit mga kagrupo ko kinailangan ko pa kausapin about sa matter na ‘to. Madalas ako makipag biruan sa lahat, pero siguro may limitations din. Minsan nakakarindi rin,” pag-amin ni Josh.

Paalala pa niya sa lahat, “Hindi man ako ang pinaka matangkad, nakakapag produce naman ako ng malalaking bagay.

“Minsan yung mindset/paniniwala niyo na yung lumoloko sa inyo na pag nakita niyo ko in person mapapasigaw na ‘ang tangkad mo pala sa personal’ stop it,” aniya pa.

Sunud-sunod naman ang pagtatanggol kay Josh ng SB19 fans at pinaalalahanan ang bashers at haters na maling-mali ang manglait ng kapwa sa kahit ano pang pamamaraan.

“Josh height is a normal height for a Filipino actually mas matangkad pa sa normal na filipino Ang normal kasi height ng isang lalaking pilipino ay 5’4.

“Yung mga nakikita nyong matatangkad na filipino sa TV most likely mixed race o may halong lahi sila

“Hindi katangkaran ang mga pinoy Totoo yon wag nyong isipin na yung height ng pinoy ay kasing tangkad ng isang american citizen my ghad,” ayon sa isang dumepensa kay Josh.

Pahayag naman ng isa pang fan, “I’m sorry, in behalf of them. Ako yung nahihiya, you don’t deserve this in the first place.

“I hope this will not affect your self-esteem, ’cause for me you’re not perfect but you are enough, and you are loved,” sey pa ng nagtanggol sa binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Josh, ang iba pang members ng award-winning Pinoy Pop idol group ay sina Justin de Dios, Felip Jhon “Ken” Suson, Stellvester “Stell” Ajero at John Pablo Nase.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending