Madlang people nakisimpatya matapos mapanood ang pag-iyak ni Vice Ganda sa 'It's Showtime' | Bandera

Madlang people nakisimpatya matapos mapanood ang pag-iyak ni Vice Ganda sa ‘It’s Showtime’

Therese Arceo |August 19,2023
facebook
share this

Madlang people nakisimpatya matapos mapanood ang pag-iyak ni Vice Ganda sa ‘It’s Showtime’

Therese Arceo - August 19, 2023 - 03:20 PM

Madlang people nakisimpatya matapos mapanood ang pag-iyak ni Vice Ganda sa 'It's Showtime'

NAANTIG ang puso ng madlang people matapos mapanood ang segment ng “Mini Ms. U” kung saan naging emosyonal si Vice Ganda.

Sa episode kahapon ng “It’s Showtime”, isang bibong contestant ang dumating sa noontime show na nagbigay ng iba’t ibang emosyon.

Sa una ay masayang nagkukulitan lang ang dalawa hanggang sa mag-storytelling na ang “Mini Ms. U” ukol sa kung paano nakapagbibigay ng saya si Vice at ang iba pang “It’s Showtime” hosts sa kanilang manonood.

“Ang ganda ng pagkakakilala niya sa pamilyang ito—walang bahid, ang ganda. Maraming maraming salamat sa ‘yo,” saad ng Unkabogable Star na pinatutungkulan si Eury.

Gumawa rin ng kuwento ang Unkabogable Star at ginaya ang pag-i-story telling ng bata kung saan naging emosyonal ang dalawa matapos ang kanilang pagyayakapan.

Sey ni Vice, “Thank you, Eury. I love you; we love you. Lagi mong iisipin ‘yan kahit saan ka makapunta, maraming nagmamahal sa’yo… Kaya kailangan lagi mong maalala na may mga nagmamahal sa iyo, mga magulang mo at kami.”

Muling nagyakap sina Eury at Vice at dito na nagsimulang maging emosyonal ang dalawa.

“‘Pag nalulungkot ako, iisipin ko lagi mahal mo ako. Sorry minsan ‘pag wala ako… Masayang-masaya ako ‘pag kasama kayo, kaya minsan nalulungkot ako kasi natatakot ako na baka hindi ko na kayo makasama.

Baka Bet Mo: Vice Ganda napaiyak sa sinabi ng ‘Mini Ms. U’ contestant: Natatakot ako na baka hindi ko na kayo makasama

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kaya ngayon na may pagkakataon ako na makasama kayo, gusto ko lang maging masaya, at masaya ako na masaya ka. I love you,” emosyonal na sabi ni Vice.

Maging ang mga manonood at iba pang mga hosts ay hindi naiwasang maging emosyonal habang pinanonood ang dalawa.

Agad ding nag-trending sa X (dating Twitter) ang video clip nina Eury at Vice.

“This kid alone proved that kids don’t see malice. Kids who watch showtime genuinely enjoys the show and the hosts in it,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Vice Ganda is really one of the reasons why they were less kids who don’t use gay as an insult anymore. She’s someone they look up to (as you can see) and the reason is because she shows love and happiness to children that will make them choose to be a better person growing up.

“Naiyak ako dito while watching it nung lunch. I feel the stress and pressure na binigay nila kay meme, may hugot yung iyak at saya. There’s something behind it and this little kid gave them hope and love,” sey naman ng isa.

Hirit naman ng isa, “We can’t deny the fact that Vice Ganda gave her heart to Showtime and it radiates to the viewers.”

Matatandaang ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang produksyon ng “It’s Showtime” dahil sa “malisyosong” pagkain ng icing ng Unkabogable Star at ng partner nitong si Ion.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na resulta ang MTRCB mula sa pagpapatawag at mga reklamong kinakaharap ng Kapamilya noontime show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vice hindi suspendido sa ‘Showtime’, may ginagawang movie na ipalalabas bago ang MMFF 2023; madlang pipol abangers na sa desisyon ng MTRCB

 

Anne Curtis naiyak dahil sa Mini Miss U contestant: It was so innocent and pure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending