Vice Ganda napaiyak sa sinabi ng 'Mini Ms. U' contestant: Natatakot ako na baka hindi ko na kayo makasama | Bandera

Vice Ganda napaiyak sa sinabi ng ‘Mini Ms. U’ contestant: Natatakot ako na baka hindi ko na kayo makasama

Therese Arceo |August 18,2023
facebook
share this

Vice Ganda napaiyak sa sinabi ng ‘Mini Ms. U’ contestant: Natatakot ako na baka hindi ko na kayo makasama

Therese Arceo - August 18, 2023 - 11:26 PM

Vice Ganda napaiyak sa sinabi ng 'Mini Ms. U' contestant: Natatakot ako na baka hindi ko na kayo makasama
HINDI napigilan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mapaluha habang kausap ang “Mini Ms. U” contestant na nangakong mananatili siya kasama ang iba pang “It’s Showtime” hosts sa kanyang puso at isip.

Sa August 18 episode ng Kapamilya noontime show ay nagkaroon ng emosyonal na pag-uusap ang six-year-old contestant na si Eury Eleandre Villena matapos ikuwento ng bata ang labis na kaligayahang ibinibigay ng show at ng mga hosts sa madlang pipol.

Ang ganda ng pagkakakilala niya sa pamilyang ito—walang bahid, ang ganda. Maraming maraming salamat sa ‘yo,” saad ni Vice na pinatutungkulan si Eury.”

Gumawa rin ng kuwento ang Unkabogable Star at ginaya ang pag-i-story telling ng bata kung saan naging emosyonal ang dalawa matapos ang kanilang pagyayakapan.

Sey ni Vice, “Thank you, Eury. I love you; we love you. Lagi mong iisipin ‘yan kahit saan ka makapunta, maraming nagmamahal sa’yo.

“May mga pagkakataon minsan [na] malulungkot ka. Kaya ka nalulungkot kasi nakakalimutan mo na, ‘Ay, may nagmamahal pala sa akin.’ Kaya kailangan lagi mong maalala na may mga nagmamahal sa iyo, mga magulang mo at kami.”

Muling nagyakap sina Eury at Vice at dito na nagsimulang maging emosyonal ang dalawa.

“I love you, too, Meme. Palagi kitang iisipin… Masaya ako na kasama kita ngayon,” umiiyak na sahi ng bata.

Baka Bet Mo: ‘It’s Showtime’ iimbestigahan ng MTRCB matapos ireklamo ang pagkain ng icing nina Vice at Ion, bastos at ‘indecent act’ daw

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sagot naman ni Vice, “‘Pag nalulungkot ako, iisipin ko lagi mahal mo ako. Sorry minsan ‘pag wala ako… Masayang-masaya ako ‘pag kasama kayo, kaya minsan nalulungkot ako kasi natatakot ako na baka hindi ko na kayo makasama. Kaya ngayon na may pagkakataon ako na makasama kayo, gusto ko lang maging masaya, at masaya ako na masaya ka. I love you.”

“I love you too, Meme. Masaya ako na nandito ka palagi,” muling sabi ni Eury.

Pasasalamat naman ni Vhong sa “Mini Miss U” contestant, “Grabe ‘yung dinala mo sa amin [na emosyon], Eury. Mula sa tula mo, mula sa mga sinasabi mo. Parang hindi ka six years old. Para kang matanda magsalita at mag-isip. Salamat at dumating ka sa amin sa Showtime.”

“Maraming salamat din po, Kuya Vhong. Hindi ka rin po mawawala sa aking buhay—kayo ni Meme Vice,” umiiyak na sambit ni Eury.

Pagpapatuloy niya, “Kahit ipapalabas ako sa TV, araw-araw ko pa rin papanoorin ‘yung video ko para maalala ko si Meme… Lahat kayo kasama ko nang walang hanggan.”

Tinawag naman ni Vice ang lahat ng hosts na nakaupo kasama ng madlang pipol upang sama-sama nilang yakapin ang bata.

Kapansin-pansin ang hindi mapigilang pag-iyak ng komeyante habang yakap yakap si Eury at ang kanyang partner na si Ion Perez.

“I just thank God that every day He’s been sending a lot of angels to come my way and to remind me how much this program and all of us are loved by so many people, especially these wonderful kids. Thank you, Lord,” sey ni Vice.

Matatandaang ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang produksyon ng “It’s Showtime” dahil sa “malisyosong” pagkain ng icing ng Unkabogable Star at ng partner nitong si Ion.

Related Chika:
Vice Ganda, Ion Perez suspendido nga ba sa ‘Showtime’ dahil sa mga reklamong natatanggap ng MTRCB?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim Chiu napaiyak habang kausap ang ‘Mini Ms. U’ contestant na nakatira ang pamilya sementeryo…anyare!?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending