Kim Chiu napaiyak habang kausap ang 'Mini Ms. U' contestant na nakatira ang pamilya sementeryo...anyare!? | Bandera

Kim Chiu napaiyak habang kausap ang ‘Mini Ms. U’ contestant na nakatira ang pamilya sementeryo…anyare!?

Ervin Santiago |August 15,2023
facebook
share this

Kim Chiu napaiyak habang kausap ang ‘Mini Ms. U’ contestant na nakatira ang pamilya sementeryo…anyare!?

Ervin Santiago - August 15, 2023 - 01:59 PM

Kim Chiu napaiyak habang kausap ang 'Mini Ms. U' contestant na nakatira ang pamilya sementeryo...anyare!?

Kim Chiu at Mini Ms. U contestant Rain

HINDI napigilan ng Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu ang maiyak habang iniinterbyu ang isang contestant sa “Mini Ms. U” segment ng “It’s Showtime”.

Sa episode kahapon ng naturang noontime show sa ABS-CBN, si Kim at si Tyang Amy Perez ang naatasang makipagchikahan sa 5-year-old contestant na si Rain.

Nagbahagi ang bata ng ilang mga kaganapan sa buhay ng kanyang pamilya habang naninirahan sa sementeryo. Sabi ni Rain, sa kabila raw ng mga pinagdaraanan nilang hirap, nagpapasalamat pa rin siya sa kanyang mga magulang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Sabi ng bagets, naiintindihan daw niya ang kanilang sitwasyon at alam daw niya na grabe ang pagsasakripisyo ng kanyang nanay at tatay para makakain sila araw-araw.

Sabi ni Tyang Amy, nakakabilib si Rain dahil sa murang edad nito ay bukas na ang kanyang isipan sa uri ng buhay na kanilang pinagdaraanan.

Komento naman ni Kim, “Alam ko rin Tyang, nakatira sila sa loob ng sementeryo. Hindi ka ba natatakot doon sa loob?”

Reaksyon naman ni Rain, “Hindi po, kasi ang mahalaga kasama ko ‘yung mommy ko at daddy ko at kuya ko. Ayun lang po ang gusto ko.”

Kaya naman ang hirit na tanong ni Amy kay Rain, “50 years old ka na ba?”

Sabay singit na sabi ni Kim, “Saka, Tiyang, naiiyak si Rain. Bakit ka naiiyak?” Na sinagot ni Rain ng, “Naaawa po ako sa mommy ko at sa daddy ko po.”

Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach ‘binalaan’ ng TikTok followers ni Joshua Garcia: ‘Walang Miss U-Miss U dito!’

Nang tanungin kung bakit siya naaawa sa kanyang parents, “Ang bait po ni mommy at daddy sa akin. Saka po inaalagaan po nila akong mabuti.”

“Ano ba ang trabaho ni mommy at saka ni daddy?” sundot na question ni Tyang Amy.

“Si mommy po, naglalaba. Yung daddy ko po, naghahalo ng semento,” sagot ni Rain na nagsisimula nang maiyak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Nang magbigay siya ng mensahe para sa nanay at tatay ay tuluyan nang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata, “Mommy, I love you. I love you din, Daddy.”

Sa puntong ito ay napaiyak na rin si Kim kaya siya naman ang tinanong ng batang contestant, “Bakit ka nalulungkot sa mga sinasabi ko?”

Tugon ni Kimmy, “Hindi ako nalulungkot, nata-touch lang ako sa kwento mo.

“Saka gusto ko yung pananaw mo sa buhay na 5 years old ka pa lang, alam mo na kung ano yung ginagawa ng mga magulang mo na nakakabuti para sa ‘yo.

“Dapat hanggang paglaki mo ganyan ha. Grateful lagi ha,” pahayag pa ng TV host-actress.

Anne Curtis naiyak dahil sa Mini Miss U contestant: It was so innocent and pure

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heaven Peralejo, Marco Gallo feel na feel agad ang love sa isa’t isa bago pa sumabak sa shooting ng ‘The Rain In España’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending