Vice hindi suspendido sa 'Showtime', may ginagawang movie na ipalalabas bago ang MMFF 2023; madlang pipol abangers na sa desisyon ng MTRCB | Bandera

Vice hindi suspendido sa ‘Showtime’, may ginagawang movie na ipalalabas bago ang MMFF 2023; madlang pipol abangers na sa desisyon ng MTRCB

Reggee Bonoan |August 16,2023
facebook
share this

Vice hindi suspendido sa ‘Showtime’, may ginagawang movie na ipalalabas bago ang MMFF 2023; madlang pipol abangers na sa desisyon ng MTRCB

Reggee Bonoan - August 16, 2023 - 09:20 PM

Vice hindi suspendido sa 'Showtime', may ginagawang movie na ipalalabas bago ang MMFF 2023; madlang pipol abangers na sa desisyon ng MTRCB

Ion Perez at Vice Ganda

KINLARO ng taga-ABS-CBN na hindi suspendido sina Vice Ganda at Ion Perez kaya ilang araw silang hindi sumipot sa “It’s Showtime” nu’ng nakaraang linggo.

Ayon sa kuwento ng isang source ay may shoot si Vice last week kaya apat na araw siyang wala sa nasabing programa ng Kapamilya network.

Naniniwala rin kami rito dahil kakilala namin ang production team na may hawak ng pelikulang gagawin ni Vice pero hindi ito intended for Metro Manila Film Festival 2023.

Totoong hindi na sasali si Vice sa MMFF 2023, pero hindi ibig sabihin na wala siyang pelikulang ipalalabas ngayong taon.

Baka Bet Mo: Alfred Vargas mala-superhero ang ganap sa buhay; kering-kering pagsabayin ang pagiging aktor, konsehal, tatay at asawa

Bago ang taunang MMFF ay ipalalabas muna ang pelikula ni Vice sa Nobyembre tulad ng pelikula niyang “The Super Parental Guardians” noong 2016 na hindi nakapasa sa selection committee ng MMFF 2016.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


At kaya wala rin nitong Lunes at Martes sina Vice at Ion ay dahil nasa Boracay sila na hindi binanggit kung anong ganap doon, baka kako bakasyon ulit after ng kanilamg Taiwan trip.

“Today (August 16) pumasok na,” say ng aming kausap sa Kapamilya network.

Samantala, may balitang magdedesisyon na ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ngayong araw kung anong parusa ang ipapataw sa mga programang “It’s Showtime” at “E.A.T” kaya nakaabang ang mga taga-produksyon ng parehong programa.

“Wala pa, waiting pa rin, mahabang proseso,” ang sagot ng nakausap namin sa MTRCB.

Halos lahat pala ay nakaabang sa ibababang desisyon ng nasabing ahensiya anumang oras ngayon.

Alfred Vargas mala-superhero ang ganap sa buhay; kering-kering pagsabayin ang pagiging aktor, konsehal, tatay at asawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda, Ion Perez suspendido nga ba sa ‘Showtime’ dahil sa mga reklamong natatanggap ng MTRCB?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending