Michael V kakaiba ang karanasan sa Hidden Beach kasama si misis: Medyo 'religious' 'yung experience | Bandera

Michael V kakaiba ang karanasan sa Hidden Beach kasama si misis: Medyo ‘religious’ ‘yung experience

Ervin Santiago - June 28, 2023 - 07:53 AM

Michael V sa pagbabakasyon sa Hidden Beach kasama si misis: Medyo 'religious' 'yung experience

Michael V at Carol Bunagan

NAKAPAG-RECHARGE nang bonggang-bongga ang Kapuso comedy genius na si Michael V. sa pagbabakasyon niya sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.

Talagang kinakarir ni Bitoy ang pagpunta at pag-e-eplore ng mga tourist destination sa iba’t ibang bansa na na-miss nilang gawin ng asawang si Carol Bunagan, pati na rin ng kanilang mga anak.

Inilarawan ng komedyante na may “pagka-religious” ang naging experience nila sa recent vacation nila sa US, base na rin sa panayam sa kanya ng GMA Network nitong nagdaang June 26.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


Sa mga litratong ipinost ng “Bubble Gang” at “Pepito Manoloto” lead star sa kanyang Instagram, isa sa mga binisita nilang lugar ay ang Hidden Beach, na part ng Lake Tahoe sa Nevada State Park.

“Very refreshing siya, very recharging. Nag-nature parks kami and iba ‘yung commune with nature, you get in touch with the earth, with the ground, with the elements,” chika ni Bitoy sa nasabing interview.

Baka Bet Mo: Alden nakapag-drive ng electric car sa US, binalikan ang favorite na kainan sa California

Dugtong pa niya, “Medyo ‘religious’ ‘yung experience especially if you do it with your loved ones, with the people that you like to going out with.

“So, kami ni misis talagang hashtag blessed kami dahil one with nature kami,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


“Second time na namin ito ‘to naka-travel after the pandemic and we made sure na hindi lang kami dun sa bahay.

“We made sure na we went out and about ma-experience uli ‘yung glory nu’ng nature,” pagbabahagi pa ni Bitoy.

Matatandaang bago mag-pandemic ay na-explore rin nina Michael V. ang mga tourist spots sa Canada (2017) at noong 2029 naman ay naranasan din nila ang Disney Cruise.

Sharon: Nagagawa ko lahat ng normal na bagay dito sa US, iba kasi ang buhay namin sa Manila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angel inokray-okray ng netizen dahil sa pagpunta sa Bora, tinira pati ang pagiging Darna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending