Angel inokray-okray ng netizen dahil sa pagpunta sa Bora, tinira pati ang pagiging Darna | Bandera

Angel inokray-okray ng netizen dahil sa pagpunta sa Bora, tinira pati ang pagiging Darna

Ervin Santiago |April 19,2022
facebook
share this

Angel inokray-okray ng netizen dahil sa pagpunta sa Bora, tinira pati ang pagiging Darna

Ervin Santiago - April 19, 2022 - 09:25 AM

Angel Locsin

BINOLDYAK ng Kapamilya actress at TV host na si Angel Locsin ang ilang bashers na kumuwestiyon at nangnega sa pagbabakasyon niya sa Boracay.

May mga netizens kasi ang nang-okray kay Angel nang mag-post sila ng asawang si Neil Arce ng mga litrato nila na kuha sa pagliliwaliw nila sa isla ng Boracay.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakalabas at nakapagbiyahe ang celebrity couple sa labas ng Metro Manila para magsaya at makapag-rest nang bonggang-bongga makalipas ang halos tatlong taon.

Isang netizen nga ang nag-repost ng isang litrato ni Angel sa kanyang Twitter account at ipinaalala sa aktres ang umano’y pagpuna nito sa Boracay rehabilitation noong 2018.

Ito’y base na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na  linisin ang Bora in six months, tapos ngayon ay proud na proud daw si Angel sa pagbabakasyon nila sa isla.

“Yung anti Duterte ka tas binabash mo ung proj nya sa Boracay pero nagpunta ka don. Nagposing posing pa HAHAHAHAHAHAHA! Aguy na buang ang Darna nyo,” ang pang-ookray ng basher sa aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin-Arce (@therealangellocsin)


Pinatulan naman siya ni Angel at nilinaw na kahit kailan ay hindi niya  pinuna ang rehabilitation ng Bora at ipinamukha sa netizen na pag-aari pa rin ng Pilipinas ang Boracay at kahit na sinong Filipino ay pwedeng pumunta roon.

Resbak ni Angel, “Aguy…una, kelan ko binash??? (laughing emoji) and last time I checked, pag aari pa naman ng buong Pilipinas ang Bora, punta ka rin!”

Nang balikan namin ang account ng hater sa Twitter ay burado na sa “tweet and replies” ang kanyang pinagsasabi.

Samantala, isa pang netizen ang binuweltahan ni Angel dahil sa kumalat na post sa Twitter na may kinalaman sa Eleksyon 2022 at kay Presidential candidate Leni Robredo.

Isang Twitter account na may handle name na Angel Locsin “angels” ang nag-post ng resulta ng survey na isinagawa umano ng isang university sa Maynila kaugnay ng 2022 presidential elections.

Nakasaad dito na may mahigit 90% ang botong nakuha ni Vice President Leni Robredo. Ang caption na inilagay ng basher sa nasabing post ay, “What is the feeling of fooling yourself Angel?

“Hindi porke’t artista ka paniniwalaan ka na ng mga tao, hindi man parehas ang kinakain natin, t*e pa rin ang lalabas sa iyo, pure deception & hallucination!” matapang pang reaksyon ng netizen sa pag-aakalang kay Angel nga ang account.

Mariin naman itong dinenay ng aktres, “Fyi, That’s not my account.” Hanggang ngayon ang official Twiiter account ni Angel ay @143redangel na may 12.7 million followers.

https://bandera.inquirer.net/307438/live-from-the-field-2

https://bandera.inquirer.net/280354/couplegoals-coco-julia-magkasamang-nagbakasyon-sa-bora

https://bandera.inquirer.net/306341/miriam-umamin-sa-tunay-na-dahilan-kung-bakit-nagdesisyong-tumira-sa-bora-kasama-ang-pamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending