Sharon: Nagagawa ko lahat ng normal na bagay dito sa US, iba kasi ang buhay namin sa Manila | Bandera

Sharon: Nagagawa ko lahat ng normal na bagay dito sa US, iba kasi ang buhay namin sa Manila

Ervin Santiago - June 22, 2021 - 01:43 PM

ENJOY na enjoy ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta sa pagbabakasyon niya ngayon sa Amerika.

Talagang sinusulit ng singer-actress at TV host ang bawat araw niya sa US sa pamamagitan ng pagpunta sa mga lugar doon na super na-miss niya at ang pakikipag-bonding sa mga kaibigang matagal na niyang hindi nakakasama.

Ngunit kung may isang rason si Shawie sa pagiging maligaya sa pananatili niya sa Amerika, yan ay walang iba kundi ang mabigyan ng chance na makapamuhay doon bilang isang ordinaryong tao.

Sa latest vlog ni Mega sa YouTube, ibinahagi niya ang ilang kaganapan sa buhay niya na malayo sa kanyang pamilya. Dito, ipinakilala rin niya ang ilan sa mga espesyal na taong nakaka-bonding niya sa US.

Ipinasilip din niya ang mga nakakaaliw na eksena na kinunan sa latest season ng Kapamilya reality talent show na “Your Face Sounds Familiar” kung saan isa nga siya sa mga judge.

Aniya, sa tulong daw ng ilang mga kaibigan ay naging maayos at maganda naman ang ginawa nilang remote setup sa loob ng kanyang kwarto para sa nasabing programa.

Samantala, ibinandera nga ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan sa nasabing vlog ang ilan sa kanyang mga childhood friends na naninirahan na ngayon sa US. Aniya, 47 years na raw silang magkakaibigan.

“I just have a few real friends in the world. They’re really just a handful. Four of them are childhood friends and this is one of them,” ani Sharon habang iniisa-isa ang pangalan ng mga ito.

“She’s the oldest friend I’ve had, my lifelong friend, Lorraine. And Jello, her husband, who has become a friend not just because he’s married to my best friend but because he’s such a great guy, a great person. And I love them both so much, and I love their kids,” chika ni Mega. 

“Family is not always blood. And I want to thank you not just for the dinner, but for everything all these decades. Thank you for giving me your children and your grandson,” dagdag pa ng aktres.

Sa bandang huli ng video, nabanggit nga ni Sharon kung ano ang pinakamahalagang bahagi ng kanyang pagbabakasyon sa ibang bansa — ito nga ang pagkakaroon ng “normal and simple life” na hindi niya nararanasan sa Pilipinas.

“Maaaring sa inyo no big deal, sa akin po, ito ang paborito ko — ‘yung nagagawa ko ‘yung lahat ng normal na bagay na tine-take n’yo for granted. Sa akin, sobrang special kasi iba ang buhay namin sa Manila,” mensahe pa ng nanay nina KC Concepcion at Frankie Pangilinan. 

Isa sa mga nagawa na ni Mega roon bilang ordinaryong tao ay ang pamamasyal sa favorite niyang mall at ang pagkain sa mga restaurant na walang pumapansin at nakakakilala sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi rin ni Shawie na baka raw tumagal pa hanggang August ang pananatili niya sa Amerika dahil plano rin niyang bisitahin ang anak na si Frankie na papunta naman sa New York para sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral doon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending