Bakit isinasama ni Dingdong si Zia kapag nagbo-voice over sa 'Amazing Earth? | Bandera

Bakit isinasama ni Dingdong si Zia kapag nagbo-voice over sa ‘Amazing Earth?

Ervin Santiago |June 14,2021
facebook
share this

Bakit isinasama ni Dingdong si Zia kapag nagbo-voice over sa ‘Amazing Earth?

Ervin Santiago - June 14, 2021 - 12:13 PM

SA murang edad ni Zia Dantes ay naiintindihan na niya kung ano talaga ang trabaho ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang daddy na si Dingdong Dantes.

Kuwento ng Kapuso Primetime King, nakakasama niya kung minsan ang panganay na anak kapag nagbo- voice over siya para sa programa niyang “Amazing Earth.”

Nakachikahan namin si Dingdong kamakailan sa online media conference para sa 3rd anniversary ng “Amazing Earth” at dito nga niya naibahagi kung paano nagsimula ang pagsama ni Zia sa kanyang work-from-home recording sessions.

“Kasi mula nang magkaroon tayo ng lockdown, I’ve been doing the voice-over from home and siyempre kinakailangan gawin mo ‘yun sa isang tahimik na lugar, sa loob ng kuwarto mo na walang ibang tao,” simulang kuwento ng award-winning actor at TV host.

Aniya, kadalasan daw ay sa gabi siya nagre-record pero may pagkakataon daw na hindi nakakatulog si Zia kapag wala siya sa tabi nito kaya one time ay isinama niya ang bagets sa kanyang recording.

“Si Zia actually may access siya sa isang production side of Amazing Earth na hindi nakikita ng kahit sino, for the past months. ‘Yun ay kung gumagawa na ako ng voice-over.

“Madalas ginagawa ko ‘yun kapag patulog na sila para wala nang dumadaan na kotse, di na maingay, wala nang tumatahol na aso. ‘Yung ganoong oras. Siyempre si Zia, hindi siya makatulog na wala ako sa tabi niya, so sinusundan niya ako.

“Sabi ko sige, diyan ka na lang. So ang nangyayari, nandiyan siya sa tabi ko, naririnig niya lahat ng kuwento,” lahad ng aktor.

Patuloy pa niya, “Habang nakikinig siya, parang nanonood na rin siya dahil medyo kapag nagna-narrate ako through voice parang plus five animation kumbaga. 

“Parang plus five ‘yung effort mo para maging lively ‘yung pagsabi mo ng mga words. Nagugulat siya na parang, ‘Wow!’ Ganoon pala yun,” aniya pa.

“Actually, may term na nga siya sa akin e, na whenever I use that voice sabi niya ‘You’re using your Amazing Earth voice again.’ So markado sa kaniya.

“I think while she’s listening to me, I’m sure natututo siya and at the same time naaaliw rin sa akin at natatawa,” sey pa ng Kapuso star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kagabi napanood ang unang handog ng “Amazing Earth” para sa ika-3 anibersaryo nito at sa susunod na Linggo naman ang second anniversary episode sa bago nitong timeslot, 7:40 p.m. sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending