Marian Rivera nakipag-bonding kay Boobay matapos makaranas ng ‘silent seizure’ | Bandera

Marian Rivera nakipag-bonding kay Boobay matapos makaranas ng ‘silent seizure’

Pauline del Rosario |April 24,2023
facebook
share this

Marian Rivera nakipag-bonding kay Boobay matapos makaranas ng ‘silent seizure’

Pauline del Rosario - April 24, 2023 - 11:31 AM

Marian Rivera nakipag-bonding kay Boobay matapos makaranas ng ‘silent seizure’

PHOTO: Instagram/@marianrivera

KITANG-KITA sa latest Instagram post ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na hindi niya pinababayaan ang komedyante na si Boobay.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, matagal nang mag-bestfriend ang dalawa.

Kung maaalala rin ay nagkaroon ng silent seizure ang komedyante habang live itong ini-interview ng King of Talk na si Boy Abunda.

Dahil diyan ay hindi namang maiiwasan na mag-alala talaga si Marian nang mabalitaan ang nangyari sa kanyang BFF.

Sa latest Instagram ni Marian ay ibinandera niya ang pictures kasama si Boobay at ilan pang mga kaibigan.

Caption pa niya, “Spending time with my girls, enjoying good food and even better company.”

“Cheers to a fun-filled night and friendships that always have each other’s back [red heart emojis],” lahad pa sa IG post.

Baka Bet Mo: Boobay pinayuhan ng ex-BF na magpatingin na sa neurosurgeon: ‘Yes, we broke up but I still care for him…he is precious to me’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)

Mababasa din sa comment section na nag-alala rin ang kapwa artista na si Gladys Reyes at sinabing, “Hope ok na ok na si Boobay.”

Magugunitang ibinahagi ng komedyante sa kanyang panayam na nagkaroon siya ng stroke noong 2016 at ito raw ang dahilan kaya nagkakaroon na siya ng seizures.

“Sinabi naman ng doktor ko na after ng nangyari sa akin noon ay maaaring mag-hang ako and the best thing that you have to do is parang mag-stop ka lang and hayaan mong bumalik sa dati ‘yung mga pag-ikot [ng sistema] mo,” sey ni Boobay.

Matatandaang naging malapit si Boobay kay Marian nang nagkasama sila sa Kapuso variety show na “Extra Challenge” kasama ang aktor na si Richard Gutierrez.

Mas naging malapit pa nga ang dalawa dahil sa mga proyektong pinagsamahan lalo na nang magkatrabaho silang muli sa naging talk show ng asawa ni Dingdong na “Yan Ang Morning.”

Si Marian rin ang gumawa ng paraan para mailipat siya noon sa mas magandang ospital para maibigay ang mga pangangailang medikal nito upang makatulong sa kanyang agarang paggaling.

Siya rin ang gumastos sa medical bills nito na habangbuhay ipinagpapasalamat ni Boobay.

Related Chika: 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Boobay pinakiusapan ni Boy Abunda matapos makaranas ng silent seizure: ‘If you’re watching, please take care of your health’

Anak ni Karen Davila nakaranas ng full-blown seizure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending