Anak ni Karen Davila nakaranas ng full-blown seizure | Bandera

Anak ni Karen Davila nakaranas ng full-blown seizure

Therese Arceo - October 27, 2021 - 02:20 PM

GRATEFUL ang Kapamilya broadcaster na si Karen Davila matapos ma-survive ng kanyang anak ang full-blown seizure nito. Nakauwi na rin ito sa kanilang bahay at maayos na ang kalagayan.

Karen Davila at anak nitong si David

GRATEFUL ang Kapamilya broadcaster na si Karen Davila matapos ma-survive ng kanyang anak ang full-blown seizure nito. Nakauwi na rin ito sa kanilang bahay at maayos na ang kalagayan.

Ibinahagi ni Karen ang mga pangyayari sa kanyang Facebook page noong October 25 kung saan ang anak niyang si David na-diagnosed with autism ay nag-eexercise nang mangyari ang insidente.

“My son David had a full blown seizure this morning while running on the treadmill. Praise God I was able to catch him before he fell off a running treadmill,” paglalahad ni Karen.

“The doctors told me, when someone is having a seizure, just put them lie on their side so they can breathe and don’t bite their tongue. And during all this time, once again, all I could do was shout the name of Jesus Christ,” pagpapatuloy pa nito.

Dagdag pa ni Karen, noong nagkaroon daw ng seizure si David ay nakagat nito ang kanyang dila. Mabuti na lang ay hindi ito nagdulot ng serious injury sa sarili.

https://www.facebook.com/KarenDavilaOfficial/posts/854916031850741

Lubos rin ang kanyang panalangin para sa kaligtasan ng anak habang nag-aantay sila ng asawa niyang si DJ na mag-subside ang seizure ng anak.

“He came back so tired noong nagising siya and now he is well,” saad pa ni Karen.

Nagpasalamat rin siya sa kanyang mga asawa, mga kasambahay, pati na rin sa isa pa nitong anak na si Lucas sa pagdarasal para kay David.

“I want to encourage you all today never to lose faith. During your darkest times, when you have no control over something – all you need to do is call on the name of Jesus. There is power in the name of Jesus Christ.”

Pangalawang beses nang naranasan ni David ang pagkakaroon ng seizure. Unang nangyari ito noong Setyembre 2020 sa isang condo lobby.

Related Chika:

Karen na-depress, napapaiyak dahil sa pagkapaos: I wanted to quit, I was so scared to go to work

Karen kampi kay Isko: Sana lang wala nang ganitong pang-iinsulto porke kalaban sa 2022!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending