Karen na-depress, napapaiyak dahil sa pagkapaos: I wanted to quit, I was so scared to go to work
“ALAM mo nakakatakot ang mga showbiz interviewers kasi kapag tumira, my God buong kaluluwa mo patay din!” ang seryosong sabi ng broadcaster na si Karen Davila sa one-on-one interview niya kay Ogie Diaz para sa YouTube channel nito.
Kilalang magaling na interviewer si Karen at halos lahat ng uri ng tao sa pulitika o lahat ng may posisyon sa gobyerno, mga bigating businessman, mga artista, international celebrities ay wala siyang inuurungan pero pagdating pala sa showbiz reporters ay takot siya.
Pero nang mapanood ni Karen ang panayam ni Ogie sa ilang personalidad ay iba na pala ang takbo, hindi na tulad dati na parang ini-interrogate, “Feel good na at sabi mo nga, ayaw mo nang nanakit.”
Umayon naman ang YouTuber at talent manager sabay tanong kung gusto ni Karen ang boses niya na medyo hirap at paos na magsalita.
“Minsan hindi! I’ll be honest I prayed to the Lord many times, tinanong ko, ‘Lord bakit po ganito. There was a time na ‘yung voice ko was at its worst siguro that was 2013. Ito ‘yung I was doing Headstart (ANC), I was doing My Puhunan (ABS-CBN), I was doing radio (DZMM), I was doing Bandila (ABS-CBN). Natutulog ako 1 a.m. tapos nagigising ako 5 a.m. to review.
“So, it was 10 years na kayod ng non-stop and nagka-hyperthyroidism kasi ako when I was in my late 20’s. And radioactive iodine ang treatment no’n na ang paniniwala ko at sabi ng duktor na ang contributory factor noon kapag sobra kang pagod is it makes your voice hoarse.
“So nu’ng mga time na ‘yun, I really got depressed, I wanted to quit, I was so scared to go to work, sinabi ko, ‘Lord I need to go to work kasi trabaho ito’ but what will I do?” mahabang kuwento ni Karen.
Nakailang punta siya sa mga doktor para gamutin ang pagkapaos niya at nanalangin siya na pagalingin siya para magawa niya ng maayos ang trabaho niya bilang broadcaster.
Bukod dito ay ni-research din ni Karen ang mga pagkaing hindi niya puwedeng kainin, at ang mga hindi niya puwedeng inumin. Binago rin niya ang lifestyle niya.
“The best time was was nu’ng nag-lockdown. Di ba ‘yung Bandila it went off-air, so nakakatulog na ako ng 8 p.m. o 9 p.m. and I loved it. Isang taon at ang tindi ng recovery. At na-realize ko na inabuso ko rin talaga ‘yung katawan ko,” paliwanag nito.
Nabanggit pa ni Karen na may pagkakataong nakasalang siya sa ere at biglang nawawalan siya ng boses na talagang iniiyakan niya.
“There were times in Bandila na talagang umiyak ako, it was struggle to talk and ayoko na ‘yun, that was the height,” sambit ni Karen.
Dagdag pa niya, “Ang itinuro sa akin ng lockdown is hindi lahat trabaho, dapat balanse ang buhay mo. Growing up I felt I have to work all my life, parang ‘yun ang feeling ko, so I was known in the industry na ‘ang babaeng walang tulog, babaeng pinakamalala ang schedule, kahit anong programa gagawin.”
Inamin din ni Karen na lahat ng kinita niya noong “TV Patrol” days niya ay itinabi niya hanggang sa “Bandila” since wala siyang luho sa katawan at matagal bago niya naisip itong gastusin at mag-travel sa ibang bansa kasama ang pamilya.
Samantala, sa 27 years ni Karen bilang broadcaster ay inamin niyang maraming nanuhol sa kanya.
“Absolutely! Ang pinakamalaking attempt sa suhol ay sa radyo kasi sa radyo hindi mo alam ang komentaryo napakadali.
“Ito po ang masasabi ko sa inyo with a straight face, all the times na I have been offered, I have never taken a single centavo in my life! Because I felt, ayokong babuyin ‘yung propesyon ko.
“Hindi rin naman ako magiging ganito o rerespetuhin ng ganito kasi kakalat din, (sasabihin ng iba) ‘ay tumatanggap ‘yan!’ Kakalat ‘yan! Alam n’yo maliit ang Pilipinas, maliit ang news at malalaman nila na ‘naku tumitira ‘yan pero tumatanggap ‘yan sa ganitong pulitiko.’
“Kaya kahit bina-bash ako, masakit sa akin, pero no one can say, ‘wow, bayaran ‘yan! And for me important na alam ng mga boss ko sa ABS (CBN) ‘yun,” diretsong pahayag ni Karen.
At ang pinakamalaking alok daw kay Karen ay, “Name your price kada buwan, e, nagbanggit ng ibang anchors na, ‘si ganito ito ang presyo niya.’”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.