Marian payag na sa face-to-face classes ni Zia: Gusto kong matuto talaga siya ng totoong buhay sa labas | Bandera

Marian payag na sa face-to-face classes ni Zia: Gusto kong matuto talaga siya ng totoong buhay sa labas

Ervin Santiago - March 07, 2022 - 07:47 AM

Marian Rivera at Zia Dantes

NAKAKARAMDAM din ng pag-aalala ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa pagbabalik face-to-face classes ng panganay na si Zia Dantes.

Kumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 ang anak nina Marian and Dingdong Dantes kaya pwedeng-pwede na rin siyang um-attend ng regular classes sa kanilang school.

Natutuwa nga raw si Marian dahil naging matapang ang anak sa pagpapabakuna lalo na noong matanggap na ni Zia ang kanyang second dose.

“Ngayon, vinideo siya ni Dong, tnitignan ko parang ganun-ganun lang siya. ‘Ah, okay na?’ Alam mo yun? Hindi naging phobia sa kanya yung magpapa-injection siya,” kuwento pa ni Marian sa isang panayam.

Dagdag pa ng aktres at celebrity mom, naging excited ang anak nang sabihin nila na makakabalik lang siya sa face-to-face classes kapag fully-vaccinated na sila.

“Gusto talaga niya kasi looking forward talaga siya na mag-face-to-face na sa school. Kasi sabi ko, ‘Anak, hangga’t hindi ka fully vaccinated, hindi ka puwedeng pumasok sa school.’

“So sabi niya, ‘Mama, I want na the vaccine. I want to go to the school and face-to-face…which is ayaw naman naming ipagkait. Iba pa rin ang bata kapag may kasamang classmates, di ba?

“So kapag okay siya mamaya and bukas, puwede na siyang pumasok. Lahat ng classmates niya nasa school na, dalawa na lang silang online. But no chaperone. Ida-drop mo lang siya tapos sila lang sa school para safe din sa mga bata,” sey pa niya.

Kasunod nito, inamin niyang nakararamdam din siya ng anxiety sa pagbabalik face-to-face classes ng anak, “Kailangan ko siguro i-overcome yun kasi yung anak ko, lumalaki na siya. Ayoko namang nasa bahay lang siya, di ba?

“Parang gusto ko matuto talaga siya ng totoong buhay sa labas. Hindi ko alam yung magiging feeling ko kapag binaba ko siya sa face-to-face kasi mag-isa lang ko siya na ibaba.

“Unlike before na may chaperone, ‘di ba? Plus one. You can go to school para ihatid yung anak mo. Pero this time, ida-drop mo lang siya and bahala siya pumunta sa classroom niya,” dugtong niya.

Samantala, inamin din ni Marian na tulad ng karamihan sa mga nanay, mahilig din siyang mag-shopping online, lalo na kapag para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

“Ako kasi, kapag may gusto ako at nakita ko na siya, e, wala naman nang hesitation para sa akin. I go and buy agad-agad. Di ba, sabi nga nila, kung yun ang magpapasaya sa ‘yo, i-checkout mo na ‘yan,” ang pahayag ng misis ni Dingdong sa online mediacon para sa announcement ng pagiging latest celebrity endorser ng e-commerce company na Shopee last March 2. 

“Kapag gusto mo, i-checkout mo na kaagad ‘yan, huwag ka nang mag-isip. Kasi, alam mo ‘yon, kapag gusto mo talaga ang isang bagay at feeling mo talaga magpapaligaya sa iyo ‘yon, wala ka nang dapat isipin, kailangan bilhin mo right away. Baka kasi pagtingin mo, pagsisihan mo na, ‘Ay wala na, sold na,'” pahayag pa ni Marian kasabay ng pagpo-promote ng 3.15 Consumer Day.

“Hirap akong magpigil lalo na kapag may mga ganitong promos, so tine-take ko na ang opportunity. Gina-grab ko na ang opportunity na bilhin ang lahat ng mga kailangan kong bilhin, ayaw ko nang magpasikot-sikot pa. Sabi ko nga, kapag gusto ko, go buy and pay na agad,” diin pang sabi ni Marian.

https://bandera.inquirer.net/307092/marian-payag-mag-artista-ang-2-anak-nila-ni-dingdong-pero-merong-kundisyon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294161/malakanyang-pinayagan-na-ang-face-to-face-classes-sa-iba-pang-college-degree-programs
https://bandera.inquirer.net/286244/bakit-isinasama-ni-dingdong-si-zia-kapag-nagbo-voice-over-siya-sa-amazing-earth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending