Carlo Aquino, Charlie Dizon magdyowa na nga ba? | Bandera

Carlo Aquino, Charlie Dizon magdyowa na nga ba?

Ervin Santiago |December 30,2022
facebook
share this

Carlo Aquino, Charlie Dizon magdyowa na nga ba?

Ervin Santiago - December 30, 2022 - 08:17 AM

True ba, Carlo Aquino, Charlie Dizon magdyowa na nga ba?

Carlo Aquino at Charlie Dizon

MAGDYOWA na nga ba ang Kapuso actress na si Charlie Dizon at ang  award-winning actor na si Carlo Aquino?

Yan ang tanong ng mga netizens matapos makita ang litrato ni Charlie kasama si Carlo nang mag-dinner sila together kamakailan.

Mismong ang Kapamilya actress any nag-upload ng photo na kuha sa kanilang “dinner date” kasama ang ilan sa mga malalapit nilang kaibigan sa showbiz, kabilang na si Belle Mariano.

Base sa mga nakita naming mga photos ay makikitang magkatabi sina Charlie at Carlo. Nakadekuwatro pa ang dalaga habang ang kamay ng aktor ay nakahawak sa kanyang hita.

Parang nakahawak naman si Charlie sa braso ni Carlo.

Ang caption ng Kapamilya actress sa kanyang IG post, “Holiday dinner. What a fun night. So nice to see my sisters from another mother (heart emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charlie Dizon (@charliedizon_)


Sa comments section ay parang may nalalaman na ang TV host-actress at singer na si Jolina Magdangal hinggil sa relasyon nina Carlo at Charlie.

Sabi ni Jolens, “Ayun na!!! (smiling emojis).”

Tanging smiling face with heart-shaped eyes emojis naman ang naging komento ni Dimples Romana na tila may alam din sa tunay na relasyon nina Carlo at Charlie.

Comment naman ni Belle sa post ni Charlie, “Love youuu!!! (heart, face throwing a kiss emojis).”

Sandamakmak ding mensahe ang nabasa namin sa IG post ni Charlie mula sa mga netizens ay halos lahat sila ay nagsabi na shookt sila sa kaswitan ng dalawang Kapamilya stars.

Sa mga hindi pa nakakaalam, magkatambal sina Charlie at Carlo sa pelikula ng ABS-CBN Films na “Love on a Budget )” na ipapalabas na sa 2023.

Sa panayam namin kay Carlo, ilang buwan na ang nakararaan ay kinumpirma nga niyang naghiwalay na sila  ng dating partner na si Trina Candaza.

Biniyayaan sila ng isang anak, ang two-year-old na ngayong si Mithi.

Charlie Dizon palaban, walang inuurungan; game na game magpaka-daring

Joshua Garcia, Charlie Dizon bagong John Lloyd-Bea ng ABS-CBN: Nakaka-pressure!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dimples todo puri kay Charlie: Pakiramdam ko mas marami akong natututunan sa kanya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending