Joshua Garcia, Charlie Dizon bagong John Lloyd-Bea ng ABS-CBN: Nakaka-pressure! | Bandera

Joshua Garcia, Charlie Dizon bagong John Lloyd-Bea ng ABS-CBN: Nakaka-pressure!

Ervin Santiago |November 14,2021
facebook
share this

Joshua Garcia, Charlie Dizon bagong John Lloyd-Bea ng ABS-CBN: Nakaka-pressure!

Ervin Santiago - November 14, 2021 - 07:29 AM

Charlie Dizon at Joshua Garcia

MARAMING nagsasabi at nagkokomento na mukhang may susunod na sa yapak ng tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa bakuran ng ABS-CBN.

May mga nababasa kami sa social media na malakas daw ang feeling nila na kapag nagtuluy-tuloy na ang  loveteam nina Joshua Garcia at Charlie Dizon ay hindi imposible na maabot din nila ang estado ng career nina Bea at Lloydie.

Magkasama ngayon sina Charlie at Joshua sa bagong drama series ng ABS-CBN na “Viral Scandal” na mapapanood na ngayong Lunes, Nov. 15, at dito nga mapatutunayan kung sila na nga ba ang next important and promising loveteam on screen.

“Sobrang excited na ako kasi finally eere na kami. Na-excite ako para sa buong team kasi nakita ko talaga yung pagod nila nung buong cycle namin. Nasa labas kami lahat nagtratrabaho sa bubble. 

“Lahat ng hirap ng cast magbubunga na ngayon at mapapanuod na ng madla. Alam ko pinaghirapan nila ito para ma-entertain yung mga tao kaya sobrang excited na ako na makita ng mga tao yung trabaho na ginawa namin,” pahayag ni Joshua sa ginanap na virtual mediacon ng “Viral Scandal” recently.

View this post on Instagram

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


At base nga sa mga inilabas na trailer, posters at iba pang promo materials ng production, maraming netizens ang nag-comment na may Bea-John Lloyd feel ang Joshua-Charlie tandem.

Ang reaksyon dito ng The EDDYS best actress na si Charlie, “Siyempre nakakakilig yun na ma-compare kami kay John Lloyd and Bea pero nakakahiya din kapag nalaman nila yun. Ha-hahaha!

“Nahihiya ako sa kanila. Pero siguro thankful ako na yun ang nakikita ng mga tao. Pero at the same time nakaka-pressure din and sana makita din nila kami bilang Charlie at Joshua,” aniya pa. 

Sey naman ni Joshua, “Ilang beses ko na kasing narinig yun, eh. Deja vu yung feeling. Kung sakali na ganu’n talaga iniisip nila, well siyempre thankful ako dahil siyempre mga mabibigat na artista yun di ba, kilala sa larangan ng pag-arte. So du’n pa lang masaya na talaga ako. Ayun lang naman masasabi ko.”

View this post on Instagram

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


Sa tanong naman kay Charlie kung ano ang masasabi niya ngayong marami na ang boto sa loveteam nila ni Joshua, “Yes why not kasi si Joshua nakakatulong naman talaga siya. 

“Ang dami kong naka-partner and lahat rin talaga sila naging mabait sa akin and naging giving. Lalo na nung nagsisimula pa ako, lahat ng naka-partner ko talaga tinulungan ako kahit hindi nila ako ka-love team talaga tinulungan nila ako.

“Kaya ang hirap sabihin kung sino ang the best pero sa ngayon talaga siyempre si Joshua yung ka-partner ko siya yung best talaga,” pahayag ng Kapuso actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Viral Scandal” sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV simula sa Nov. 15. Kasama rin dito sina Dimples Romana, Jake Cuenca at marami pang iba.

Joshua nanginig ang buong katawan dahil kay Charlie; ABS-CBN tuloy ang mga ‘pasabog’ para sa buong mundo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending