Carlo nakiusap sa bashers nila ni Charlie: 'May mga taong naninira... sana respeto na lang' | Bandera

Carlo nakiusap sa bashers nila ni Charlie: ‘May mga taong naninira… sana respeto na lang’

Ervin Santiago |January 10,2023
facebook
share this

Carlo nakiusap sa bashers nila ni Charlie: ‘May mga taong naninira… sana respeto na lang’

Ervin Santiago - January 10, 2023 - 07:55 AM

Carlo nakiusap sa bashers nila ni Charlie: 'May mga taong naninira... sana respeto na lang'

Carlo Aquino at Charlie Dizon

HINDI pa man diretsahang inaamin nina Carlo Aquino at Charlie Dizon sa publiko na magdyowa na sila, may mga nangnenega agad sa kanilang relasyon.

Sa panayam namin kay Carlo kamakailan, kinumpira niya na nasa “getting-to-know” stage pa lang sila ng Kapamilya actress kasabay ng pag-amin niyang espesyal ngayon sa buhay niya ang dalaga.

Nabanggit din niya na magkasama silang nag-celebrate ni Charlie ng Bagong Taon sa La Union kasama ang kanyang pamilya.

“Yung brother ko hindi nakauwi from Sydney at saka ‘yung wife niya ng two years dahil pandemic. So pag-uwi nila, ‘yung relatives ng sister-in-law ko pumunta.

“Getting to know, ‘di ba nagkasama kami sa A Soldier’s Heart, nagkakilala kami doon. Tapos nag-US tour, mas nakilala ko siya, pag-uwi, ayun,” lahad ni Carlo nang makapanayam namin after ng presscon para sa pelikula nila ni Barbie Imperial na “I Love Lizzy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charlie Dizon (@charliedizon_)


Rebelasyon ng aktor at singer, maraming katangian si Charlie na  talagang nagustuhan niya kaya naman napalapit agad siya sa dalaga habang ginagawa ang project nila together.

“Ang positive kasi ng buong pagkatao ni Charlie. Gusto ko ‘yung tawa niya, kung paano siya with other people.

“Kapag kasama ko siya sa labas, ayaw ko kasi sa labas maraming tao. Kapag kasama ko siya feeling ko, I belong,” ang pag-amin ng premyadong aktor.

Super happy din daw si Carlo dahil magkasama sila ngayon ni Charlie sa trabaho, “May sinu-shoot kami para sa Blacksheep.”

Pahayag pa ng binata, “Ako, kinikilala ko si Charlie. Kung gusto niyong malaman, very positive ang pagpasok niya sa buhay ko.
“Let’s leave it like that kasi usually kapag may lumalabas, may mga naninira, may mga taong alam niyo ‘yun,” ani Carlo.

Pakiusap naman niya sa lahat ng bashers, “Importante sa akin ‘to. Nirerespeto ko ‘yon. Irespeto din nila sana.”

Carlo Aquino kinumpirmang ‘dating’ na sila ni Charlie Dizon

Charlie Dizon posible nga bang ma-develop kay Joshua Garcia?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Charlie Dizon laging bigay-todo sa aktingan: Ayokong may pagsisihan ako sa mga projects na ginawa ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending