Charlie Dizon posible nga bang ma-develop kay Joshua Garcia? | Bandera

Charlie Dizon posible nga bang ma-develop kay Joshua Garcia?

Ervin Santiago |November 23,2021
facebook
share this

Charlie Dizon posible nga bang ma-develop kay Joshua Garcia?

Ervin Santiago - November 23, 2021 - 08:04 AM

Charlie Dizon at Joshua Garcia

DIRETASAHANG sinabi ng Kapamilya actress na si Charlie Dizon na hindi imposibleng ma-attract siya kay Joshua Garcia, ang  leading man niya sa pinag-uusapang Kapamilya series na “Viral Scandal”. 

Sa panayam ng “Inside News” ng Star Magic kay Charlie, nadiskubre raw niya habang nagte-taping sila para sa bago nilang serye na napakaraming magagandang qualities ni Joshua 

“First time ko nakatrabaho si Josh. Hindi ko rin kasi alam kung ano ‘yung ie-expect sa kanya bukod sa alam kong magaling siyang aktor pero nung nakasama ko po siya, totoo nga ang tsismis na magaling po siyang artista,” ang simulang pahayag ng award-winning actress.

Dagdag pa ng dalaga patungkol kay Joshua, “Madali po siyang katrabaho kasi nagbibigay siya talaga sa eksena and tinutulungan po talaga niya ako lalo na kapag mabibigat ‘yung eksena. Ipinapakita niya talagang nagko-comfort siya, ganu’n.”

At sa tanong nga ng isang reporter kung posible bang ma-develop o ma-attract siya sa binatang aktor, “Mabait si Joshua tsaka very ano siya talaga, matulungin po siya sa mga eksena. Kumbaga madali po siyang…nakakatulong talaga siya sa trabaho.

“And ako ‘yun ‘yung importante eh, basta mabait sa akin, basta gentleman, and ‘yung nakakatulong talaga, wala akong masabi naman po na masama, so oo,” chika ni Charlie.

Kumusta naman ang naging working experience niya sa iba pang cast members ng “Viral Scandal”, lalo na kina Dimples Romana at Jake Cuenca.

“Siguro si ate Dimples kasi may mga times na nakikitulog ako sa kanya sa room niya kapag halimbawa nabibigatan ako or may pinagdadaanan ako.

“Tapos hindi lang siya nakakatulong kasi sa eksena eh, kundi pati sa totoong buhay talaga. Grabe niya ako i-motivate.

“Nu’ng mga panahon na down na down ako tapos mino-motivate niya ako, parang every gising ko feeling ko may bagong confidence na nadagdag,” papuri ng dalaga kay Dimples na gumaganap na nanay niya sa serye.

Patuloy pa niya, “Si Jake, every time na nakakaeksena ko siya, talagang nag-uusap kami beforehand na, hindi about sa eksena, kundi about us. Kung ano na ‘yung nangyayari, kinakamusta niya talaga ako if okay pa ba ako, ganyan.”

View this post on Instagram

A post shared by Charlie Dizon (@charliedizon_)


Nagpasalamat din siya sa buong cast ng “Viral Scandal”, “Sobrang grateful ko na sila ‘yung mga kasama ko sa project na ‘to kasi hindi siya talaga madali talaga.

“Pero dahil sila ‘yung mga kasama ko, napapagaan ‘yung trabaho talaga kasi lahat sila very supportive at nagbibigay talaga sa mga characters nila,” aniya pa.

Ito naman ang mensahe ni Charlie sa lahat ng mga taong patuloy na nagtitiwala sa kanya, “Ako unang-una siyempre grateful po ako sa management, sa tiwala nila na gampanan ko ‘tong role na ‘to, and ‘yung patuloy nga nilang pagtitiwala sa akin sa kada project na nagagawa ko. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At sa lahat po ng tao talaga na sumusuporta sa akin, hindi ko man po nakikita lahat pero alam kong meron kaya maraming maraming salamat po,” sabi pa ng dalaga.

Joshua Garcia, Charlie Dizon bagong John Lloyd-Bea ng ABS-CBN: Nakaka-pressure!

Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending