Julia Montes naki-join na sa mundo ng TikTok

Julia Montes naki-join na sa mundo ng TikTok, viral ang first-ever dance cover

Pauline del Rosario |September 09,2023
facebook
share this

Julia Montes naki-join na sa mundo ng TikTok, viral ang first-ever dance cover

Pauline del Rosario - September 09, 2023 - 11:42 AM

Julia Montes naki-join na sa mundo ng TikTok, viral ang first-ever dance cover

PHOTO: Screengrab from TikTok/@montesjulia08

WOW naman! Meron na ring TikTok account ang aktres na si Julia Montes!

Ang kanyang verified account ay mayroon nang halos 173,000 followers at mahigit 433,000 likes, as of this writing.

Nag-upload na rin siyempre ng ilang videos si Julia.

Unang-una riyan ang kanyang dance cover sa kantang “Pink Champagne” ng musical artist na si Nick Lopez.

Isang araw pa lang mula nang ibinandera niya ang nasabing video ay agad na itong nag-viral at umaani na ng mahigit 3.5 million views!

Caption pa ni Julia, “Hi TikTok! First TikTok ko [emojis] I’m excited! Turuan nyo ko? [laughing emoji]”

Baka Bet Mo: Vice Ganda humirit sa lahat ng single: ‘Madlang pipol, si Ryan Bang may dyowa na, ang tanong… ikaw kaya, when?’

@montesjulia08 Hi Tiktok! First Tiktok ko 🙈❤️😅 I’m excited! Turuan nyo ko? 😆 #Fyp ♬ nhạc nền – xiao xiao 💦

Kasunod ng dance cover ay ang kanyang video na excited niyang kinukumpirma na meron na siyang TikTok account.

Sey niya, “Hi everyone, surprise! I’m Julia Montes and I am here sa TikTok.”

“Yes, tama po. I have a TikTok account, @montesjulia08, so follow me for more exclusive and special updates,” aniya pa.

@montesjulia08 #Fyp ♬ original sound – Julia Montes

Dahil diyan, tila nagkagulo ang maraming fans at tuwang-tuwa sa aktres.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Ikaw ‘yung di ko inexpect na magti-TikTok pero sobrang saya ko na nag-join ka [red heart emoji].”

“Welcome to TikTok Miss Julia…[red heart emojis] nag-follow agad ako!”

“Haysss sa wakas nagka-TikTok ka na din! Yey!”

“Sobrang abang ko sayo sa TikTok…at sa lahat ng artista ikaw lang finallow ko haha!”

Noong Mayo lamang nang kumpirmahin nina Julia at aktor na si Coco Martin na 12 years na silang in a relationship.

Matatandaang taong 2012 nang unang magtambal ang dalawa sa hit teleserye na “Walang Hanggan.”

Kasunod niyan ay nagkaroon sila ng iba pang proyekto na magkasama at kabilang na riyan ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na nagtapos noong August 2022.

Sa kasalukuyan, abala si Julia sa pag-promote ng kanyang upcoming film na “Five Break-Ups and A Romance” with Alden Richards, habang si Coco ay patuloy ang shooting at taping sa kanyang primetime series na “FPJ’s Ang Batang Quiapo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Pinoy internet star Bretman Rock may ‘alay’ sa lahat ng batang beki sa Pinas

Rufa Mae kinuhang cover girl sa isang Hollywood magazine: Go, go, go! Hindi na ito joke!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending