Rufa Mae kinuhang cover girl sa isang Hollywood magazine: Go, go, go! Hindi na ito joke! Bandera

Rufa Mae kinuhang cover girl sa isang Hollywood magazine: Go, go, go! Hindi na ito joke!

Ervin Santiago |May 03,2021
share this

Rufa Mae kinuhang cover girl sa isang Hollywood magazine: Go, go, go! Hindi na ito joke!

Ervin Santiago | May 03,2021 - 04:01 PM

SUPER proud na ibinandera ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto ang bonggang project na natanggap niya sa Amerika.

Siya kasi ang napili na maging cover girl para sa isang magazine sa Hollywood na ilalabas ngayong May.

Ayon kay Rufa Mae na naka-base ngayon sa California, ang top photographer mula sa San Francisco na si Vincent Gotti ang nangasiwa sa kanyang pictorial para sa Showbiz Magazine.

“Pasabog for the week! I had the pleasure of shooting with one of San Francisco’s Top photographers @vinniegotti for an upcoming magazine cover in Showbiz Hollywood @showbizmagazine,” ang caption ng komedyana sa sexy photo niya sa Instagram.

Ibinalita rin ni Rufa Mae na makakasama niya sa bagong issue ng nasabing magazine ang ilang Oscar-nominated celebrities.

“All Oscars celebrities ka sabay ko na. Walang impossible. Abangan ninyong lahat at Todo con todo na to! Go Go Go!

“Di ko ma explain sa asawa ko na nasa Hollywood cover magazine na ako, kasi di ako makapaniwala into in Hollywood magazine with the best of the best.

“Natawa ako habang sinasabi ko sa asawa ko na Hollywood nga ito,” dagdag pang chika ng aktres.

Huling hirit pa niya sa kanyang post, “Salamat sa lahat na miss ko mag pose ng ganito. So proud to be a Filipino! Hinde na ito joke.”

Nagtungo sa Amerika si Rufa Mae last year kasama ang anak na si Athena dahil doon naka-base ang asawa niyang si Trevor Magallanes.

Ibinabahagi rin ni Rufa Mae sa madlang pipol ang mga kaganapan sa buhay niya sa US sa pamamagitan ng mga ginagawa niyang vlog sa YouTube.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending