Vice Ganda humirit sa lahat ng single: 'Madlang pipol, si Ryan Bang may dyowa na, ang tanong... ikaw kaya, when?' | Bandera

Vice Ganda humirit sa lahat ng single: ‘Madlang pipol, si Ryan Bang may dyowa na, ang tanong… ikaw kaya, when?’

Ervin Santiago |August 30,2023
facebook
share this

Vice Ganda humirit sa lahat ng single: ‘Madlang pipol, si Ryan Bang may dyowa na, ang tanong… ikaw kaya, when?’

Ervin Santiago - August 30, 2023 - 07:50 AM

Vice Ganda humirit sa lahat ng single: 'Madlang pipol, si Ryan Bang may dyowa na, ang tanong... ikaw kaya, when?'

Ryan Bang at Vice Ganda

TUWANG-TUWANG ibinandera ng TV host-comedian na si Ryan Bang sa madlang pipol na sa wakas, ay meron na siyang dyowa!

Yes, yes, yes mga ka-Marites! “In a relationship” na ang bagong status ngayon ng South Korean comedian na talagang buong-ningning niyang in-announce sa live episode ng “It’s Showtime” kahapon.

“Siyempre, gusto kong sabihin sa aking ‘Showtime’ family, sa harap ninyo, Mommy, Daddy, kayo kuya ko, ate ko, Tyang, may girlfriend na ako!” ang super happy na pagmamalaki ni Ryan Bang.

Siyempre, unang-una sa mga naging masaya para sa komedyante ay ang nanay-nanayan niyang si Vice Ganda na matagal nang nagsasabi na darating at darating din ang tamang babae para sa kaibigan.

“Ang saya-saya. Alam mo kahapon, ang sama-sama ng pakiramdam ko tapos nag-text siya sa ‘kin.

“Ang saya-saya niya, sabi niya, ‘Mommy, ikaw una kong sasabihan.’ Ta’s tinawagan ko siya, umiiyak siya,” chika ng Phenomenal Box-office Star.

Hirit naman ni Ryan kay Vice, “Siyempre, gusto ko ikaw unang makakaalam, Mommy. Sobra kong saya kasi ang tagal kong naging single tapos ngayon… thank you so much sa support niyo sa pag-ibig ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasunod nito, biglang nag-dialogue si Vice ng, “Madlang pipol, si Ryan Bang may dyowa na. Ang tanong, ikaw kaya, when?” Na sinundan naman ng malakas ng tawanan ng kanilang mga co-hosts sa show pati na rin sa audience.

Baka Bet Mo: Ryan Bang nakatanggap ng offer mula sa isang Korean entertainment group, mas pinili ang Pilipinas

Dugtong pang sey ng veteran TV host-comedian kay Ryan, “Alam mo ipagdarasal natin, ‘yang pag-ibig na ‘yan maging pag-ibig habangbuhay hanggang sa kung anumang edad meron kayo, maging 150 years old man kayo, magkasama pa rin kayo.”

Sa panayam kay Ryan ng “Fast Talk with Boy Abunda” nabanggit ni Ryan na nakapag-ipon na siya nang bonggang-bongga para sa kanyang sarili at maging sa kanyang future wife at mga anak.

Aniya, kahit magkaroon na siya ng sariling pamilya ay dito pa rin sila maninirahan sa Pilipinas.

“Nakaipon na ako, Tito Boy. Bata pa lang, sinabi mo sa akin, ‘Ryan, mag-ipon ka.’ Ngayon, nakaipon na ako, Tito Boy. I wanna live my life forever here in the Philippines with my forever Filipina,” pahayag ni Ryan.

Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isko sinagot ang komento ni Lolit Solis na maaga pa para tumakbong pangulo sa 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending