Tirso Cruz III may ka-lookalike na bigating South Korean star, netizens super shookt
VIRAL sa social media ang isang recent photo ng beteranong aktor at ngayo’y Chairman at CEO ng “Film Development Council of the Philippines” na si Tirso Cruz III.
Agaw-atensyon kasi sa maraming netizen ang pagkakahawig niya sa sikat na South Korean actor na si Lee Jung-jae.
Ang nasabing viral photo ay ibinandera ng kanyang asawa na si Erlinda Ynchausti sa Instagram noong October 18.
Kuha ang picture sa isang “subway” sa South Korea at nasa background ng beteranong aktor ang malaking poster ni Jung-jae.
View this post on Instagram
Nakalagay pa sa caption na ito ang “first picture” ni Tirso sa Busan.
Nagpunta ang mag-asawa sa South Korea upang dumalo sa “Busan International Film Festival.”
Saad sa post, “Brought home beautiful memories from our trip in Busan.
“First pic was when we were in the subway and I took a photo of my husband, scenic views of beautiful Busan, the 1st day of full moon, the beach, ice cream, strolling with friends, and coffee in the evening.”
Kaagad namang nag-viral ang nasabing litrato at ika nga ng maraming netizens, tila pinagbiyak na bunga ang dalawa.
Narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa.
“OMG! Kamukha ni Tito Pip!”
“Kamukha… hahahaha.. batang bata.”
“Twins? Look a like po sila.”
“Dati ko pa to napapansin eh. Kada stalk ko ng iG nung Squid Game cast. Carbon copy nya talaga si Tirso HAHAHA.”
Si Tirso ay isang award winning actor mula pa noong dekada nobenta.
Ilan sa mga blockbuster movies na kanyang tinampukan ay ang “Honor Thy Father,” “Rainbow’s Sunset,” “Sigwa,” “Mano Po,” at marami pang iba.
Habang si Jung-jae naman ay nag-umpisang sumikat dito sa Pilipinas nang pagbidahan ang Netflix hit series na “Squid Game.”
Read more:
Tirso Cruz III pormal nang naupo sa pwesto bilang FDCP chairman
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.