Ryan Bang tinuruan ng 'tambay starter pack' ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig Bandera

Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig

Therese Arceo |February 05,2022
share this

Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig

Therese Arceo February 05, 2022 - 07:33 PM

Ryan Bang tinuruan ng 'tambay starter pack' ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig

MULING nag-collab para sa isang YouTube vlog sina Ryan Bang at Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” na talaga namang nagpasaya sa kanilang tagasubaybay.

Marami kasi ang naaliw sa dalawa nang mag-guest si Hipon Girl sa vlog ni Ryan noong Oktubre 2021 dahil may chemistry talaga sila.

Kaya naman nang matapos na ang pagsasaayos ni Herlene ng kanyang bank account para sa kanyang sahod sa pagba-vlog at pag-a-apply ng dalaga ng government mandated benefits ay nagkaroon muli ng reunion ang dalawa sa channel ng dalaga.

Pagkukwento ni Hipon Girl, madalas daw kasing mag-ayang lumabas si Ryan kaya naman naisip niyang turuan na lang ng “tambay starter pack” na lagi niyang ginagawa noong high school kapag inuman.

Pag-amin ni Ryan, kahit palagi siyang lumalabas ay hindi siya umiinom.

“Tanong mo sa mga kuya, ate, tsaka nanay ko sa Showtime, hindi ako talaga umiinom. Alam mo kung bakit? Mabilis akong malasing, sobra!” saad ng binata.

Nangako naman si Herlene na siya ang bahala kay Ryan sakaling malasing si Ryan at ihahatid pa nga daw niya door to door ang komedyante.

Hamon naman ni Ryan, kapag ininom niya ang isang baso ng alak o “soju ng Pinas” ay dapat daw jowain siya ng dalaga.

“Bakit? Ayoko. Gusto ko pag-ibig,” pagkontra naman ng binata.

Tawang tawa naman ang mga netizens sa reaksyon ni Ryan habang tinuturuan siya ni Herlene lalo na nang sinindihan ng dalaga ang alak at pina-shake kay Ryanz

“Paano ko tatakpan? Masusunog ang kamay ko. Siraulo ka ba?

“Hoy! Natatakot ako. May apoy! Bakit ko kailangan takpan ‘yung apoy? Masusunog kamay ko. Wala pa nga akong dyowa. Wala pa nga akong asawa,” reklamo ni Ryan.

Sa dinami rami ng bangayan ng dalawa ay natapos rin sila sa pagtitimpla at nag-cheers pa ng magka-eye to eye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Umani ng papuri mula sa madlang pipol ang dalawa dahil hindi daw pilit ang chemistry nila at natural na natural ang kanilang pagpapakilig.

May ilan pang nagsasabi na baka si Herlene talaga ang laan para kay Ryan matapos mag-trending ang “almost love story” ng binata.

“Ang lakas ng chemistry nyo kase same kayong mga kalog at nakakatawa hindi scripted gaya ng iba purong puro ang mga galawan nyo kaya tuloy nyo lang po yan,” comment ng isang netizen.

“OMG! Nanonood lang ako bat ako napapangiti, grabe chemistry nyong dalawa! Hope sa susunod jowa challenge naman,” saad naman ng isa pa.

Hirit naman ng isang netizen, “Sila yung mas bagay..komedyante pareho.. nahahawaan na ni herlene si Ryan sa pagiging squamy. Ganda ng tandem nilang dalawa. Nakakatawa at the same time may kilig!”

Naging usap-usapan nitong nakaraang linggo si Ryan matapos ang kanilang rebelasyon ng singer na si Yeng Constantino.

Noon kasi, 12 years na ang nakakalipas ay nanligaw pala si Ryan kay Yeng pero tumigil siya sa panliligaw nang walang paalam dahil akala niya ay di siya gusto ni Yeng.

Samantala, akala naman ni Yeng ay sumuko na si Ryan at naartehan sa kanya kaya tumigil na ito sa pagpaparamdam.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap ang dalawa ukol sa nangyari at nito ngang biniro siya ni Yeng habang nagbibigay komento bilang hurado ay hindi sinasadyang maungkat ang kwento ng nakaraan.

Thankful naman ang dalawa dahil after 12 years at nalaman na nila ang tunay na kwento at nagkaroon na sila ng closure.

Related Chika:
Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending