Ryan Bang nakatanggap ng offer mula sa isang Korean entertainment group, mas pinili ang Pilipinas
INAMIN ng TV host-comedian na si Ryan Bang na inalok siya ng offer noon ng isang Korean entertainment agency ngunit tinanggihan niya ito.
Sa kanyang panayam kay Direk Lauren Dyogi na mapapanood da YouTube channel ng Star Magic ay ikinuwento niya ang naging pagbabago ng kanyang buhay buhat nang mapasok siya sa loob ng “Pinoy Big Brother” house.
Pagbabahagi ni Ryan, dahil raw sa pagpansin at pagkuha sa kanya bilang isa sa mga housemates noon ng direktor ay unti-unting nagbago ang kanyang buhay.
Matapos nito ay naikuwento nga niya na nakatanggap siya ng offer mula sa SM entertainment, isang agency na based sa Korea.
“Bakit hindi ka bumalik? Like Sandara [Park], you could have opted to go back to South Korea?” tanong ni Direk Dyogi kay Ryan.
Sagot naman ng binata, “Noong close pa kami ni Ate Dara [Sandara Park], pinausap sa akin dati ‘yung company niya. Tapos may kumukuha sa akin [para mag-five years] training. Tapos, na-meet ko ‘yung Lee Soo-man… Gusto talaga nila ako 100% doon.”
Baka Bet Mo: Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee
Si Lee Soo-man ang founder ng SM Entertainment ngunit October 2022 nang mag-cut ties na ito sa naturang label.
Pagpapatuloy pa ni Ryan, “Nagpunta pa ako sa SM Town, nag-one-on-one interview pa kami. Interested sila. Mayroon kasi silang SM Ent na pang-TV, pang-komedyante, pang-host so gusto nila akong kunin doon.”
Ngunit nang nabasa niya ang offer ay hindi nakaramdam ang binata na gusto niya itong tanggapin at wala pa sa puso niya na i-grab ang chance na ibinibigay sa kanya.
“Yung offer naman talaga nila is bawal akong pumunta ng Philippines, bawat galaw ko bawal. E sobrang kulit ko, makulit talaga ako. Sa Korea mahigpit, di ba? Parang walang freedom. Tapos yung personality ko parang Pilipino na talaga so nag-decide na ako na mag-stay rito,” kuwento ni Ryan.
Sa kabila naman ng hindi niya pagtanggap ng offer ay nakaka-receive pa rin ang binata ng mga raket gaya ng mga TV guestings sa mga documentaries, variety shows, at travel shows.
“Dahil doon, nag-guest ako sa iba-ibang mga show. Nag-translator ako kay Senator [Manny] Pacquiao sa ‘Infinity Challenge.’ Nag-guest ako sa mga documentary at sa mga travel shows,” chika ni Ryan.
Dagdag pa niya, “Ngayon, merong nago-offer sa akin ng mga teleserye na parang sidekick. Hindi nga ako nag-paalam sa iyo n’un, Direk [Lauren] kaya ako nag-braces. Kasi gusto ng mga director doon ay perfect ang ngipin bago ako isalang sa mga movie nila. May kinukuha sa akin na movie, teleserye, eh nag-pandemic bigla. So, ‘yung mga ganoon, tatanggapin.”
Nagsimula ang karera ni Ryan buhat ng sumali ito sa “Pinoy Big Brother” noong 2010 kung saan nanalo ito bilang 2nd Big Placer habang ang nagwagi naman sa kanilang batch ay si James Reid. Sa ngayon ay isa siya sa mga main hosts ng noontime program na “It’s Showtime”.
Related Chika:
Yeng nag-sorry kay Ryan Bang: Kasi naman ang daldal ko talaga, mali talaga ‘yun
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.