Yeng nag-sorry kay Ryan Bang: Kasi naman ang daldal ko talaga, mali talaga ‘yun | Bandera

Yeng nag-sorry kay Ryan Bang: Kasi naman ang daldal ko talaga, mali talaga ‘yun

Ervin Santiago |February 23,2022
facebook
share this

Yeng nag-sorry kay Ryan Bang: Kasi naman ang daldal ko talaga, mali talaga ‘yun

Ervin Santiago - February 23, 2022 - 07:38 AM

Ryan Bang at Yeng Constantino

NAG-SORRY ang Kapamilya singer-songwriter na si Yeng Constantino kay Ryan Bang nang mabuking ang kanilang nakaraan sa isang episode ng “It’s Showtime.”

Ibinahagi rin ni Yeng sa madlang pipol ang naging reaksyon ng asawa niyang si Yan Asuncion nang aminin niyang muntik na silang maging magdyowa noon ni Ryan Bang.

Naikuwento ni Yeng sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng “It’s Showtine” na totoong niligawan siya noon ng Kapamilya host-comedian pero bigla na lang daw tumigil ang komedyante sa panunuyo sa kanya.

Depensa naman ni Ryan, ang akala raw kasi niya ay hindi interesado si Yeng sa kanya kaya hindi na niya itinuloy ang kanyang panliligaw sa award-winning Kapamilya singer.

Sa isang interview, nabanggit ni Yeng na hindi rin alam ng kanyang mister ang past nila ni Ryan Bang. Nagulat din daw si Yan nang mapanood ang pag-amin nila ng komedyante.

“Naki-emphatize siya kasi pinakinggan niya yung dalawang araw na interview ni Vice (Ganda) sa amin. ‘Grabe pala ang pinagdaanan n’yo, naintindihan ko,’” kuwento ni Yeng. 

Nilinaw naman ng singer-composer na hindi nakaramdam ng selos ang asawa sa nangyari pero totoo raw na medyo nasorpresa si Yan nang mapanood ito sa TV.

“Meron palang ganyan. Ba’t ‘di mo sa akin sinabi?” ang sabi raw ni Yan sa kanya.

View this post on Instagram

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)


Kasunod nito, nabanggit din ni Yen na nag-apologize siya kay Ryan matapos ang kanyang pa-reveal on national TV,  “Kasi naman ang daldal ko talaga. Mali talaga ‘yun.

“Parang hiniritan ko pa siya sa TV. Medyo mahilig din kami ng chismak sa It’s Showtime so napag-usapan,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, maganda rin naman daw ang nangyari dahil napag-usapan nila ni Ryan ang nakaraan. Pareho nilang napatunayan na napakahalaga talaga ng komunikasyon sa anumang klase ng relasyon.

Yeng Constantino, Ryan Bang muntik nang maging mag-dyowa: Bigla na lang siyang nawala!

Ryan nanghinayang sa kanila ni Yeng: Hindi ko napanindigan ‘yung nararamdaman ko

Yeng sa pagpanaw ng ina: After four days mula nang mawala siya, saka lang ako nakaiyak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending