Barbie Imperial hindi na 'wasak' ang puso sa breakup nila ni Diego, pwede na uling magdyowa | Bandera

Barbie Imperial hindi na ‘wasak’ ang puso sa breakup nila ni Diego, pwede na uling magdyowa

Ervin Santiago - September 08, 2022 - 12:08 PM

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

HINDI naging madali para sa Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang makapag-move on sa breakup nila ng ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.

Ilang buwan din tumagal bago niya naramdaman na naka-recover na siya totally sa paghihiwalay nila ng aktor matapos ang mahigit isang taong relasyon.

Masasabi na raw niya ngayon nang walang pag-iimbot at buong katapatan na “fully healed” na siya sa masaklap na nangyari sa love story nila ni Diego.

Ayon kay Barbie, na umaming hiwalay na sila ng hunk actor noong Pebrero, “It took me months maging fully healed. Last month lang before my birthday.

“Kasi nalaman ko na hindi pa ako fully healed. Kasi nu’ng nag-break kami ng ex ko parang I tried to go out with someone, date lang walang anything, walang label, walang ano.

“Tapos na-feel ko na ‘ay hindi ko pa kaya.’ So medyo nag-hold back ako,” pag-amin ng dalaga sa isang panayam.

View this post on Instagram

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


Ipinagdiinan din niya na gusto muna niyang maramdaman na buong-buo uli ang kanyang sarili at pagkatao bago siya pumasok muli sa bagong relasyon.

Chika ng aktres nang mag-try siyang makipag-date uli, “Sinabi ko sa guy na ‘sorry, I am not ready pa pala, parang I need to heal myself first, bago ako pumasok sa bagong relationship.’

“Kasi it’s very important na buo ka, mag-heal ka muna alone, kasi masasaktan mo ‘yung ibang tao if you don’t heal,” lahad ng ex ni Diego.

“Ngayon fully healed na ako,” ang paniniguro ni Barbie. “Minsan kasi, gigising ka na lang akala mo okay ka na tapos paggising mo ‘ano ba ‘yan ‘di pa rin pala.’ So lately okay naman po ako na gumigising.”

Noong February, 2022 sinabi ni Barbie na maayos ang paghihiwalay nila ni Diego, “We broke up na, break na kami. Hindi naman siya bad breakup. Okay kami. Hindi kami nag-break na magkaaway kami, hindi. We are okay.

“I think it’s for the better naman. And even si Diegs naman alam niya naman ‘yon na parang marami pa kaming kailangang matutunan at kailangan pa namin na mag-grow apart,” dagdag ng Kapamilya star.
https://bandera.inquirer.net/305234/barbie-sa-biglang-paghihiwalay-nila-ni-diego-hindi-siya-bad-breakup-hindi-kami-magkaaway
https://bandera.inquirer.net/309699/barbie-imperial-umasa-nga-bang-magkakabalikan-pa-sila-ni-diego-loyzaga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/298864/minsan-nagkakapikunan-din-kami-ni-diego-mapang-asar-kasi-siya
https://bandera.inquirer.net/322269/andrea-inatake-ng-depresyon-nang-dahil-kay-derek-ayaw-mo-nang-tumayo-and-every-little-thing-iniiyakan-mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending