Cathy Garcia sa KathNiel: 'Professional at magaling naman talaga'

Cathy Garcia sa KathNiel: ‘Iba sila, professional at magaling naman talaga’

Ervin Santiago |December 12,2023
facebook
share this

Cathy Garcia sa KathNiel: ‘Iba sila, professional at magaling naman talaga’

Ervin Santiago - December 12, 2023 - 02:50 PM

Cathy Garcia sa KathNiel: 'Iba sila, professional at magaling naman talaga'

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Cathy Garcia

WALANG naging problema ang box-office director na si Cathy Garcia-Sampana sa pakikipagtrabaho kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ito’y sa kabila ng pag-amin niyang hindi siya masyadong fan ng mga real-life celebrity couples na nagtatambal sa mga teleserye at pelikula.

Paliwanag ni Direk Cathy, madalas daw kasing nagkakaroon ng problema sa shooting o taping kapag magdyowa ang kanyang idinidirek na malaki ang epekto sa buong production.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero agad namang nilinaw ng Kapamilya director na wala siyang naging issue kina Kath at DJ sa ilang proyektong pinagsamahan nila sa loob ng mahabang panahon.

Pinuri niya ang dating magdyowa dahil sa pagiging professional ng mga ito pagdating sa pagtatrabaho dahil ang feeling niya kahit daw siguro may pinagdaraanan ang dalawa ay hindi nila hinahayaan na maapektuhan nito ang kanilang work.

Baka Bet Mo: KathNiel reunion movie game na game pa ring gawin ni Direk Cathy

“Ayoko (ng magdyowa ang bida sa isang project) kasi nage-get in the way siya, eh. Lalo na kapag kinukuhanan mo tapos magkaaway, patay ka na!

“Kapag happy-happy naman sila tapos drama kukuhanan mo, patay ka rin. So, ideally, hindi,” paliwanag ni Direk Cathy sa tanong kung mas okay ba sa kanya na magdyowa in real life ang kanyang mga artista.

Una niyang nakatrabaho sina Kathryn at Daniel sa hit Kapamilya series na “Got to Believe” noong 2012.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nakachikahan namin si Direk kasama ang ilan pang members ng entertainment media pagkatapos ng special screening ng bago niyang project, ang microfilm na “Toss Coin” na pinagbibidahan nina KD Estrada at Alexa Ilacad under Star Cinema.

Baka Bet Mo: Anak ni Cathy Molina pinapalo ng yaya: Imbes na magalit ako sa kanya, nagalit ako sa sarili ko

Pagpapatuloy ni Direk Cathy, “Ang KathNiel, naiba sila kasi professional naman yung dalawang yun at magaling naman talaga umarte at nakikita niyo naman.

“Despite na sila (magkarelasyon), nakakakuha ka pa rin ng mga tamang performance,” papuri pa niya sa naghiwalay na celebrity couple.

Nauna rito, naibalita na namin dito sa BANDERA ang naging reaksyon ng direktor sa hiwalayang KathNiel. Aniya, “I think walang hindi malulungkot, but I love them both. Ako, ‘yun lang tinext ko sa kanila. I texted both of them. And I said I love them.”

Nasabi rin ni Direk na open pa rin siyang gawin ang reunion movie ng KathNiel kahit pa nga naghiwalay na ang mga ito na pinaniniwalaang dahil sa third party.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I am not closing my doors doon sa project na ‘yun. Kasi siyempre, who wouldn’t want a KathNiel movie? But maybe, pwedeng ma-delay, pwedeng mausog lang naman,” sabi ni Direk Cathy Garcia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending