Anak ni Cathy Molina pinapalo ng yaya: Imbes na magalit ako sa kanya, nagalit ako sa sarili ko
ANG sakit-sakit ng kalooban namin habang pinanonood namin ang panayam ng undisputed box-office director ng Philippine Cinema na si Cathy Garcia-Molina sa Toni Talks YouTube channel ni Toni Gonzaga-Soriano.
Sa kabila kasi ng pagpapasaya niya sa maraming tao sa pamamagitan ng mga nagawa niyang pelikula ay kalungkutan naman ang kapalit sa mga anak niya.
Ani Direk, “According to many I’ve been making people happy. Little did I know and realize that while making many people happy, I think I’m not making my kids happy.”
Si direk Cathy ang may hawak ng highest grossing Filipino film of all time, ang “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na ipinalabas noong 2019 na kumita ng P880.6 million o $17.4 million base sa Wikipedia.
Sa pagpapatuloy ng direktora, “Alam mo naman kung paano tayo magtrabaho parang halos 24 hours nandoon ka, either nagmi-meeting ka, nagso-shooting ka o nagpo-post production. Ang lahat ng kapalit no’n, ‘yung anak mo yaya moa ng nag-alaga.”
Naikuwento pa niya na napalo ng yaya ang anak niya pero hindi niya nagawang pagalitan bagkus ay sinisi niya ang sarili.
“There was a time na meron palang namamalong yaya ako buti binidyo nu’ng driver ko, nakita ko kung paano pinaiiyak ‘yung anak ko.
“At that time imbes na magalit ako doon sa babae nagalit ako sa sarili ko. And immediately I made a letter to Tita Malou (Santos) and Inang (Olive Lamasan) and I said, ‘ayaw ko na po.’
“Ayaw ko na pong magdirek kasi kapalit no’n (mga) anak ko. Feeling ko walang fault, walang pwedeng i-blame sa nangyari except me. Had I’ve been there hindi magkaka-ganu’n ang anak ko. Had I’ve been there hindi ko kinailangan ng yaya na posibleng manakit sa mga anak ko (pigil ang pagpatak ng luha).
“Pinag-break naman ako nina tita Malou noon, but always the need of the company siguro nasa puso ko na rin (magdirek). Pag sinabi na ni tita Malou na, ‘Cathy kailangan ng kumpanya.’
“If you remember My Amnesia Girl (pelikula nina Toni at John Lloyd Cruz, 2010), nu’ng in-offer sa akin ‘yun sabi nila, ‘Cathy para may panghamon ang mga tao ng Star (Cinema). Parang how can you say no to that ‘no? Knowing that ‘uy magkaka-bonus ang mga tao. Magkakakeso’t hamon sa Pasko.
View this post on Instagram
“Kaya kahit alam mong mahirap at imposible ‘yung schedule ginawa natin, kita mo nagkamatay-matay (sabay kuha ng tissue sabay punas sa mga mata) na umabot ng gabi ang dapat umagang sequence kasi kailangan siyang matapos kasi hindi puwedeng hindi matapos at hindi puwedeng hindi kumita otherwise walang hamon at keso ang mga taga-Star (Cinema),” lumuhang kuwento ni direk Cathy sabay punas ng mga mata.”
Balik-alaala naman ni Toni, “Parang na-realize ko, you said many yes to your work and the kids got a lot of no, di ba?”
Natawa at tumango si direk Cathy, “Yes. ‘Yun talaga ‘yun and everytime na magsasabi ako, laging sasabihin sa akin, ‘direk marami ka namang napapasayang tao.’
“And minsan tinatanong ko, ito ba talaga ang calling ko? But itong nakaraan, na-miss ko na ‘yung formative years ng mga anak ko, Toni. I knew I wasn’t there anymore and there’s no way I can bring back the time.
“That’s why nu’ng nag-hit ng teenager years ang mga anak ko, ‘yun ‘yung sinabi ko kasi feeling ko dangerous (years), so, kaya ako nag- make ng stand that I would take a leave na.”
Nabanggit pa na usapan nila noong nabubuhay pa ang husband niya na isa sa kanila ay kasama ng mga anak nila kapag may trabaho sila.
“Sabi ko pagg may pasok ako ‘wag kang tumanggap ng trabaho para may isang magulang na kasama ang mga bata and vice versa,” balik-tanaw ni direk Cathy.
Marami pang kuwento at hinaing na naibahagi ang number one director ng ABS-CBN Films at Star Cinema sa YT channel ni Toni na hindi na namin kinayang panoorin pa.
Related Chika:
May sama ba ng loob si Direk Cathy Garcia kina John Lloyd at Bea?
Direk Cathy Garcia Molina natupad na ang pangarap na mapasama ang pelikula sa MMFF
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.