Jennica Garcia, Alwyn Uytingco magkakabalikan na ba? | Bandera

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco magkakabalikan na ba?

Therese Arceo |October 15,2021
facebook
share this

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco magkakabalikan na ba?

Therese Arceo - October 15, 2021 - 10:53 AM

Jennica Garcia masaya kasama ang asawang si Alwyn Uytingco at mga anak na sina Alessi at Athena nat may hawak na laruang manika.

INAMIN ng aktres na si Jennica Garcia na nag-uusap na silang muli ng kaniyang estranged husband na si Alwyn Uytingco.

Ibinahagi rin niya na napag-uusapan na rin nila ang posibilidad ng kanilang pagbabalikan.

“I am very thankful to Jesus because he heard my prayers. He gave me what I was hoping for— Alwyn to come back for us,” saad ni Jennica.

“He expressed his desire for family restoration,” dagdag pa ng aktres.

Pebrero 2014 nang ikasal sina Alwyn at Jennica at nagbunga ng dalawang magagandang chikiting ang kanilang pagmamahalan na sina Athena at Alessi.

Mayo 2021 naman nang ibinahagi ni Jennica na lilipat na sila ng bagong bahay at ibinenta na rin lahat ng kanilang kagamitan para sa kanilang “fresh start”.

Matapos ang ilang mga linggo ay inamin na nitong hiwalay na nga sila ng asawa. Nilinaw naman niya na hindi pera ang naging rason ng kanilang paghihiwalay.

Naging maingay rin ang pangalan ng aktres sa mga nagdaang buwan lalo na nang sinupalpal nito ang isang “Marites” na tumawag sa kaniyang sinungaling dahil namataan silang magkasama ni Alwyn matapos ang kanilang paghihiwalay. Umabot pa nga ng three parts ang kaniyang posts dahil na rin sa gigil sa mga pakialamero sa kanilang buhay.

“Public figure ako pero hindi naman para bastusin niyo ko,” sey pa ng aktres.

Matapos rin ng ilang linggo ay in-unfollow niya ang asawa at nagpalit ng Instagram username at tinanggal ang Uytingco sa kaniyang pangalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga naging Instagram posts rin si Alwyn kung saan humihingi siya ng tawad sa asawa at inaming namimiss na ang kanilang mga anak.

Karagdagang ulat:
Jennica lilipat na ng tirahan kasama ang 2 anak, ipinagbebenta na ang mga gamit sa bahay
Jennica Garcia, Alwyn Uytingco hiwalay na nga ba?
Alwyn Uytingco nangungulila na sa 2 anak: Miss you, I love you…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending