Christian Bables, Jennica Garcia magkasamang nag-celebrate ng Mother’s Day, netizens hopia pa ring magkatuluyan ang dalawa
TULOY pa rin ang pag-asa ng mga netizens na mauuwi sa isang romantic relationship ang samahan nina Jennica Garcia at Christian Bables.
Kahit kasi nauna nang ipahayag ng dalawa na talagang magkaibigan lang sila at walang something na namamagitan sa kanila ay marami pa ring fans ang kinikilig at pilit pinagtatambal ang dalawa.
Sa katunayan, magkasama sina Jennica at Christian na nagdiwang ng Mother’s Day.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa.
“Celebrated Mother’s Day with these strong and selfless women (my mommy bing, mama non, and Tol @jennicagarciaph). I celebrate them not just today, but everyday. Happy mom’s day to all the ulirang nanays out there!” sey ni Christan sa caption.
Marami sa mga netizens ang hindi nagpatinag sa statement ng dalawa na “friends” lang sila at talagang ibinandera ang kanilang pag-ship sa “Dirty Linen” stars.
“Kahit sabihin niyo friends lang kayo [laughing emojis] kami mga fans ay lagi umaasa parin sana mag level up,” comment ng isang fan sa post ni Christian.
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: Jennica Garcia, Christian Bables kinakiligan ng netizens: Sana kayo na lang na dalawa!
Saad naman ng isa, “My heart char! Ako lang ba ang kinikilig kanila.”
Hirit naman ng isa, “Eto na sabi ni Jennica eh ayaw niya mag madali at baka magaya lang din sa ex niya na he loves him more . Pero etong si Christian talaga eh feel mo talagang he loves her more genuinely. Thank you dear Christian for loving Jen the love that she truly deserve kahit BFF lang kayo gaya ng sabi niyo pero at least lagi na flex kahit saan.”
“Ako mtagal ng umaasa wla pa sila sa Dirty Linen hahahaha sna di man ngaun pero soon. mag kmukha kea kau ni Jennica soulmate,” dagdag pa ng isa.
Sina Jennica at Christian ay magkasama sa Kapamilya series na “Dirty Linen” at aminadong super best friends in real life.
Related Chika:
Christian Bables kay Direk Jun Lana: Natatakot po ako sa kanya na nahihiya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.