Jennica nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Christian; bakit galit na galit si Jean nang magtrabaho siya bilang medical officer? | Bandera

Jennica nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Christian; bakit galit na galit si Jean nang magtrabaho siya bilang medical officer?

Ervin Santiago |May 23,2023
facebook
share this

Jennica nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Christian; bakit galit na galit si Jean nang magtrabaho siya bilang medical officer?

Ervin Santiago - May 23, 2023 - 06:59 AM

Jennica Garcia nagsalita na sa tunay na relasyon ni Christian Bables; bakit galit na galit si Jean nang magtrabaho siya bilang medical officer?

Jennie Garcia at Christian Babies

NAGSALITA na ang Kapamilya actress at “Dirty Linen” star na si Jennica Garcia tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng award-winning actor na si Christian Bables.

Sa isang panayam, natanong si Jennica kung ready na ba siyang magpaligaw at magkadyowa uli lalo pa’t matagal-tagal na rin silang hiwalay ng kanyang estranged husband na si Alwyn Uytingco.

Ayon sa panganay na anak ni Jean Garcia, open naman siya sa pakikipag-date pero wala naman siyang mga manliligaw at talagang ang focus daw kasi niya ngayon ay ang kanyang trabaho at mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)


Nitong mga nagdaang linggo, nali-link si Jennica sa Kapamilya comedian na si Ryan Bang at sa co-star niya sa “Dirty Linen” na si Christian Bables.

Nitong nagdaang Mother’s Day, sinorpresa ni Christian si Jennica ng mga bulaklak at lumabas din sila para mag-dinner. Pero ayon sa aktres, walang malisya ang pagde-date nila ng premyadong aktor.

Baka Bet Mo: Christian Bables imposibleng ma-in love sa bading: My preference ay hindi po same sex…

“Parang kapatid ko si Christian that’s why we’re close. He’s very close to his family. When he’s not taping or shooting, Christian is always in Cavite with his family.

“That day, wala kaming taping so I got to meet his mom. But even before that, sobrang kilala ko na ang mom niya kasi palagi niya ka-Face Time while we’re taping ‘Dirty Linen.’ I’d like to think that we’re very close already,” paliwanag ng single mom sa ulat ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica 🦋 (@jennicagarciaph)


Samantala, knows n’yo ba na magtrabaho rin si Jennica bilang medical officer sa Alliance Search and Rescue, partikular na noong sumabog ang Taal Volcano?

“Galit na galit sa akin si Mama (Jean), kasi daw lahat ng tao sa Taal bumababa, ako naman, umaakyat. Kasi kulang tayo talaga sa rescuers. Takot din sila for their health because of COVID.

“Hindi lang ‘yun ang problem. Lupus din. Leptospirosis kung susulong ka. May mga patay na rin. I get my confidence from the Lord,” ang pahayag pa ni Jennica Garcia.

Christian Bables ‘dream come true’ ang makasama sina Kabayan, Karen, Henry at Bernadette sa ‘TV Patrol’: ‘Pangarap ko lang ito noon…’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wish ni Jennica bilang anak ni Jean: ‘I’m praying na sana pareho kami ng kapalaran ni Mama’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending