Albie Casiño hindi nagpakabog kina David Licauco at Luis Hontiveros, agaw-eksena sa Mutya ng Cotabato: 'Lashing ba ang beshy ko?' | Bandera

Albie Casiño hindi nagpakabog kina David Licauco at Luis Hontiveros, agaw-eksena sa Mutya ng Cotabato: ‘Lashing ba ang beshy ko?’

Ervin Santiago |August 27,2023
facebook
share this

Albie Casiño hindi nagpakabog kina David Licauco at Luis Hontiveros, agaw-eksena sa Mutya ng Cotabato: ‘Lashing ba ang beshy ko?’

Ervin Santiago - August 27, 2023 - 04:01 PM

Albie Casiño hindi nagpakabog kina David Licauco at Luis Hontiveros, agaw-eksena sa Mutya ng Cotabato: 'Lashing ba ang beshy ko?'

NAWINDANG ang mga dumalo sa grand coronation ng Mutya ng Cotabato 2023 nitong nagdaang Biyernes, August 25 nang dahil sa hunk actor na si Albie Casiño.

Trending at viral na ngayon sa social media ang video ni Albie na kuha habang nagpe-perform siya sa naganap na beauty pageant sa Cotabato.

Hinarana ng binata ang mga kandidata sa Mutya ng Cotabato kung saan kinanta niya ang “Pangarap Lang Kita” ng Parokya ni Edgar at ang sikat na sikat ngayong kanta ni Zack Tabudlo na “Habang Buhay”.

“Ano guys, gusto n’yo pa ng isa pa o ayaw n’yo na?! Okay lang naman kung ayaw n’yo na. O, DJ, isa pa daw,” ang pahayag ni Albie sa audience bago kinanta ang “Habang Buhay”.

Bumaba pa ang binata sa stage para lapitan ang ilang nasa audience na akala mo’y talagang nagko-concert sa isang malaking venue.

Reaksyon ng mga nakapanood sa viral video, feeling nila baka raw uminom muna ng alak si Albie sa backstage bago nag-perform sa nasabing event dahil sa style ng pagkanta nito.

Baka Bet Mo: Vince Tañada ipangtutulong ang kinita ng ‘Katips’ sa nasalanta ng bagyong Paeng

Comment ng isang TikTok user, “Bakit parang lasing ang beshy ko?”

Narito ang iba pang komento ng netizens sa pak na pak na performance ni Albie sa nasabing beauty pageant.

“Tama na ‘yan, inuman na!”

“Shot puno na Albie!”

“On a side note sa mga hindi nakakilala kay Albie or nakasubaybay sa kaniya lalo na sa PBB days n’ya (Pinoy Big Brother) is he’s a very real person, and I’m sure na hindi po s’ya lasing, I think it is his way to entertain us, kasi alam naman natin na hindi s’ya singer.

Natuwa kami kagabi sa gym actually, parang napawi n’ya yung kaba ng mga kandidata.”“Itong mga organizer ng pageant, bakit hindi na lang singers o performers talaga kunin ninyo para hindi ganyan?”

“Di ko po alam kung lasing o hindi? Anong sey nyo mga kapamilya?”

Pero may mga nagsabi namang kahit sumablay-sablay ang aktor sa pagkanta ay cute pa rin siya. Hirit pa ng ilang fans, jojowain pa rin daw nila ang binata kahit anong mangyari.

Bukod kay Albie, nag-viral din ang aktor na si Luis Hontiveros dahil sa sablay na pagkanta niya ng “Jopay” sa grand coronation ng Miss Pagadian 2023 noong June 19, 2023.

Sumunod sa kanya ang pinag-usapan ding performance ng Kapuso actor na si David Licauco sa grand coronation ng Miss Grand Philippines noong July 13, 2023.

Samantala, naging host naman sa Mutya ng Cotabato sina Miss Supranational 2023 1st runner-up Pauline Amelinckx at Italian-Canadian model-actor na si Nico Locco.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mutya ng Pilipinas 2023 coronation night sa Disyembre na gagawin, sa Hulyo magsisimula ang application

Cristy Fermin naawa kay Albie: Siya dapat ang Daniel Padilla ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending