Cristy Fermin naawa kay Albie: Siya dapat ang Daniel Padilla ngayon | Bandera

Cristy Fermin naawa kay Albie: Siya dapat ang Daniel Padilla ngayon

Therese Arceo |November 03,2021
facebook
share this

Cristy Fermin naawa kay Albie: Siya dapat ang Daniel Padilla ngayon

Therese Arceo - November 03, 2021 - 03:09 PM

Cristy Fermin naawa kay Albie: Siya dapat ang Daniel Padilla ngayon

Cristy Fermin and Albie Casino

HALOS isang dekada na ang nakakalipas matapos ang naging kontrobersiya sa pagitan ng dating magkarelasyon na sina Albie Casiño at Andi Eigenmann.

Ito nga ay nagsimula buhat nang ituro ni Andi si Albie bilang ama ng kanyang ipinagbubuntis noon kung saan ayaw panagutan ni Albie hangga’t walang DNA testing.

At dahil nga sa nangyari ay unti-unting nawala ang mga proyekto ni Albie na may pa-usbong na career nang pumutok ang isyu.

Noon kasi ay nakatakdang bumida si Albie sa pelikulang “Way Back Home” kasama ang ka-love team noon na si Kathryn Bernardo at Julia Montes na parehas rin niyang nakasama sa “Mara Clara”. Nawala rin si Albie sa youth-oriented show na “Growing Up”.

Nabugbog rin si Albie Casino noon at ang itinuturong nga suspek ay mga kaibigan diumano raw ni Andi.

Ngunit muli ngang naungkat ang mga nakaraang isyu nang may isang netizen ang muling nag-usisa sa nakaraan ni Albie sa Kumu live nito bago pumasok sa PBB house.

Agad namang nag-trending ang naging sagot ni Albie kaya m ngayon ay isa sila sa maiinit na topic sa social media.

Dito na rin pumasok ang mga kapamilya ng mga nadadawit sa isyu bagay na mas nagpalala sa isyu.

Sa programa nga ni Cristy Fermin ay napag-usapan rin nila ng co-host na si Romel Chikka ang nabuhay na kontrobersya nina Andi at Albie.

Sey ni Cristy ay naaawa siya kay Albie dahil nasayang ang oportunidaf nito dahil sa isyu.

“Di ba si Albie Casino dapat ‘yung mabibigyan ng napakalaking role sa isang pelikula nila ni Kathryn Bernardo pero noong sumabog nga itong isyu ay nagpa-audition nga ulit itong Star Cinema ng ibang artista na pwedeng gumanap sa kanyang role.

“At napakaswerte naman po talaga nitong si Daniel Padilla. Doon ay naglaro ang kapalaran. Maaaring hindi talaga para kay Albie Casino itong katanyagan na ito kasi hindi natuloy, may humarang,” saad ni Nay Cristy.

Dagdag pa niya, kahit na napatunayan na hindi si Albie ang ama ng dinadala ni Andi ay maraming oportunidad na nawala kay Albie.

“Kung ako ang nasa katayuan ni Albie, talagang masakit. Imagine-in mo ‘yung ganda nung oportunidad na lumipad dahil lumabas ‘yung isyu ng pagdadalangtao ni Andi na siya ang ama.

“Sino naman produksyon ang kukuha sa isang aktor na pinagbibintangang ama ng isa ring anak ng artista? Natural papalitan siya. ‘Yun ‘yung napakalaking oportunidad na lumipad.

Sey rin nito sa isa pa niyang programa kasama sina Lolit Solis at Mr. Fu ay hindi rin daw kasi mukhang sinsero ang naging apology na inilabas ng kapatid ni Andi na si Stevie Eigenmann.

“Hindi ganun ka sinsero at kaseryoso.. parang hehehe.. ako naman ay naaawa kay Albie. Alam ko kasi ang storya niyan eh. Siya dapat si Daniel Padilla ngayon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi
Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending