Albie nairita kay Alexa; naglabas ng sama ng loob sa mga housemates | Bandera

Albie nairita kay Alexa; naglabas ng sama ng loob sa mga housemates

Therese Arceo |November 04,2021
facebook
share this

Albie nairita kay Alexa; naglabas ng sama ng loob sa mga housemates

Therese Arceo - November 04, 2021 - 01:36 PM

Albie nairita kay Alexa; naglabas ng sama ng loob sa mga housemates

MAINIT na usapan ngayon ang “Pinoy Big Brother Kumunuty Season 10” celebrity housemates na sina Alexa Ilacad at Albie Casiño.

Hindi na kasi nakapagpigil ang aktor na si Albie sa ugaling ipinapakita ni Alexa sa kanya na naikwento niya sa kasamang housemate na si Eian Rances.

Bago ang naging pag-uusap nina Albie at Eian ay may isang nag-uusap ang mga housemates ukol sa kanilang bibilhing pagkain.

Hiniling kasi ni Alexa na isama ang gusto niyang peanut butter sa mga bibilhin.

Nang malaman ito ni Albie ay hindi siya pumayag.

“Hindi talaga, please, no. I will fight someone for that,” diretsahang sabi ng aktor.

Sey naman ni Madam Inutz, pinaghirapan rin naman ni Alexa ang weekly task para manalo sila at kumbaga treat lang iyon sa sarili. Bukod pa rito ay hindi lang naman daw si Alexa ang makikinabang doon kundi lahat sila.

Katwiran naman niya, katumbas na ng isang kilo ng manok ang presyo ng peanut butter.

“Medyo ayoko kung paano siya umasta dito sa bahay. Hindi niya bahay ‘to. Kailangan niyang alalahanin ‘yan,” saad ni Albie.

“Ano, porke’t matagal na siya sa industriya, ganyan na siya umasta? Matagal na rin naman ako sa industriya, hindi naman ako ganyan umasta,” dagdag pa niya.

Pinayuhan naman ni Eian si Albie na maging patient na lang kay Alexa upang maiwasan ang magkaroon ng iringan.

“Dude ayoko siya kung paano siya umasta rito,” sagot ni Albie.

Kinuwento rin ni Albie ang isang insidente kung saan di niya nagustuhan ang ginawa ni Alexa. Ito ay noong bigla siyang tinulak ng aktres at sinabing “mine” ang pinapainit na tsaa sa hindi magandang tono.

“Hassle pa kasi siya ‘yung pinakakilala ko dito. Happy pa ako noong una na makakasama ko siya tapos siya pa pala ‘yuny pinaka irita ako sa lahat,” sey pa ng aktor.

Muli namang naglabas ng saloobin si Albie sa iba pang boy housemates na sina Kyle Echarri at TJ Valderrama ukol naman sa pagtatago ni Alexa ng pagkain.

“Napaka walang hiya mo naman,” saad niya patungkol kay Alexa. “Lahat tayo dito gutom.”

View this post on Instagram

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)

Related Chika:
Cristy Fermin naawa kay Albie: Siya dapat ang Daniel Padilla ngayon
Jaclyn, Andi kinuyog ng netizens: Sinira n’yo career ni Albie pero never kayong nag-sorry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending