Rita Daniela umaming na-in love kay Ken Chan, hindi susukuan ang pag-ibig: 'Dream ko pa ring maglakad na naka- wedding gown' | Bandera

Rita Daniela umaming na-in love kay Ken Chan, hindi susukuan ang pag-ibig: ‘Dream ko pa ring maglakad na naka- wedding gown’

Ervin Santiago |June 19,2023
facebook
share this

Rita Daniela umaming na-in love kay Ken Chan, hindi susukuan ang pag-ibig: ‘Dream ko pa ring maglakad na naka- wedding gown’

Ervin Santiago - June 19, 2023 - 07:32 AM

Rita Daniela umaming na-in love kay Ken Chan, hindi susukuan ang pag-ibig: Dream ko pa ring maglakad na naka- wedding gown'

Rita Daniela at Ken Chan

HINDI susukuan ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela ang love kahit na hindi nag-work ang relasyon niya sa tatay ng kanyang anak na si Baby Uno.

Ito’y matapos sabihin ng celebrity mommy na bukas pa rin ang kanyang puso’t isipan sa pagkakaroon muli ng boyfriend in the future.

Sa panayam kay Rita ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday, inamin nga niyang naghiwalay na sila ng ama ni Baby Uno makalipas ang apat na taong relasyon at isa na siya ngayong single parent.

“Definitely yes,” ang sagot ng Kapuso sta lr nang tanungin ni Tito Boy kung maaari pa ba siyang magmahal muli. Wala naman daw hatid na trauma ang breakup nila ng kanyang dating partner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi pa ni Rita, pangarap pa rin niya ang maikasal at magkaroon ng asawa, “It’s still one of my dreams na maglakad na may wedding gown, of course part pa rin ‘yun ng aking pangarap.”

Sabi pa ng aktres, magpo-focus muna siya ngayon sa pagiging nanay ni Baby Uno at bibigyan din niya ng oras ang pag-aalaga sa kanyang sarili.

Baka Bet Mo: Kitkat pinaayos ang kilay at lashes bago manganak: Pak! Siyempre full smile rin para walang panget moment sa pictures!

Samantala, inamin din ni Rita kay Tito Boy na totoong nagkaroon siya ng feelings noon sa kanyang ka-loveteam na si Ken Chan. Ilang teleserye at pelikula rin ang nagawa nila together.

Tanong ni Tito Boy sa kanya, “Nahulog ka no?” Na sinagot agad ni Rita ng, “Oo naman. Hindi ko po ipagkakaila iyon. Wala ganu’n talaga, eh.”

Hindi raw naniniwala noon ang singer na nauuwi sa totohanan ang relasyon ng mga magka-loveteam, “Sobrang nagulat ako du’n sa konsepto na kapag magkasama kayo araw-araw, nade-develop pala talaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aminado ang single mom na matagal na panahon din silang hindi nag-usap ni Ken pero okay na raw ang estado ng pagkakaibihan nila ngayon.

“I had to give time for myself because ‘yung nangyari sa amin ni Ken, I just didn’t lose a friend. I lost a best friend and a family in one.

“That was very painful for me, pero naging okay naman kami,” paliwanag ni Rita.

Paano naman niya ipakikila si Ken sa anak niyang si Baby Uno sakaling magkita-kita sila, “Si Tito Ken, best friend siya ni nanay, at isa ako doon sa mga nahulog sa best friend.

“Sana anak kung isang araw mangyari sa ‘yo ‘to, sana nandu’n si nanay para suportahan ka,” ang pagbabahagi pa ni Tita Daniela.

Rita Daniela hiwalay na sa tatay ng kanyang anak: ‘We really tried our best just like everybody else but it didn’t work out’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rita Daniela may pa-face reveal kay Baby Uno, opisyal nang ipinakilala sa madlang pipol: ‘My hope and my home’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending