Ken Chan natulala nang tanungin ni Boy Abunda kung in love siya ngayon: 'Medyo po...' | Bandera

Ken Chan natulala nang tanungin ni Boy Abunda kung in love siya ngayon: ‘Medyo po…’

Ervin Santiago |September 17,2023
facebook
share this

Ken Chan natulala nang tanungin ni Boy Abunda kung in love siya ngayon: ‘Medyo po…’

Ervin Santiago - September 17, 2023 - 07:41 AM

Ken Chan natulala nang tanungin ni Boy Abunda kung in love siya ngayon: 'Medyo po...'

Ken Chan

SANDALING natulala ang Kapuso actor-TV host na si Ken Chan nang matanong ng award-winning TV host na si Boy Abunda kung totoo bang in love siya ngayon.

Sa guesting ni Ken sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” hindi siya kaagad nakasagot sa naturang question kaya naman ang reaksyon ng kanyang fans ay mukhang may inililihim siya about his lovelife.

Natawa rin ang aktor nang ma-realize na tila tumigil bigla ang ikot ng mundo sabay sagot ng, “Medyo (in love).”

Binigyan naman ni Tito Boy ng chance si Ken na makapagpaliwanag kung ano ang ibig niyang sabihin sa sagot na “medyo” in love siya.

“I’m in love in so many different ways and in so many different things. It doesn’t mean na tao ‘yon. Puwedeng career, family, friends,” pahayag ng binata.

Pero inamin naman ni Ken na totoong nami-miss na niyang ma-in love talaga sa isang tao na matagal-tagal na rin daw niyang hindi nararamdaman. Wala naman siyang binanggit kung may nagugustuhan o nililigawan siya ngayon.

Samantala, nabanggit din ni Ken na super happy siya na nakasama sa hit Kapuso afternoon series na “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Baka Bet Mo: Jessy kay Luis: Kahit mawala lahat, aalagaan kita…kahit tuyo pa ang kainin natin everyday

Gumaganap siya rito bilang si Dr. Lyndon Javier, isang neurosurgeon, kasama si Doc Analyn Santos, na ginagampanan ni Jillian Ward.

“Ngayon, nasabi ko na medyo in love ako because happy ako sa set, happy ako sa set ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap,'” sey ni Ken.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)


Matatandaang umamin din ang aktor sa unang guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” na nahulog ang loob nila sa isa’t isa ng ka-lovetean niyang si Rita Daniela.

Na-develop raw sila nang maging magka-loveteam sa ilang Kapuso show kabilang na riyan ang kanilang blockbuster series na “My Special Tatay.”

Sabi naman ni Rita sa panayam ni Tito Boy, “‘Yung nangyari sa amin ni Ken, it’s an almost love story. Kasi ‘yung almost, ‘yun ‘yung masakit, so close yet so far.

“Sobrang nagulat ako dun sa konsepto na pag magkasama kayo araw-araw, nade-develop pala talaga,” aniya.

Hanggang dumating daw sa point na hindi na sila nag-uusap at nagkikita, “I had to give time for myself because ‘yung nangyari sa ‘min ni Ken, I just didn’t lose a friend.

“I lost a best friend and a family in one. That was very painful for me, pero naging okay naman kami,” aniya pa.

Sanya na-starstruck nang makaeksena si Alice: Natulala na lang ako kasi ang ganda niya…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Richard umaming medyo istriktong tatay kay Juliana: Pero ayoko namang kinatatakutan niya ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending