Sanya na-starstruck nang makaeksena si Alice: Natulala na lang ako kasi ang ganda niya... | Bandera

Sanya na-starstruck nang makaeksena si Alice: Natulala na lang ako kasi ang ganda niya…

Ervin Santiago |January 17,2022
facebook
share this

Sanya na-starstruck nang makaeksena si Alice: Natulala na lang ako kasi ang ganda niya…

Ervin Santiago - January 17, 2022 - 07:31 AM

Sanya Lopez at Alice Dixson

NA-STARSTRUCK ang Kapuso actress na si Sanya Lopez nang unang makaeksena ang dating beauty queen at aktres na si Alice Dixson.

Talaga raw natulala na lang siya nang makasama at makita nang malapitan si Alice sa lock-in taping ng GMA primetime series na “First Lady”, ang book 2 ng hit Kapuso serye na “First Yaya.”

Muling mapapanood si Sanya sa “First Lady” bilang si Melody na asawa na nga ni President Glen Acosta na gagampanan ni Gabby Concepcion habang si Alice naman ay gaganap bilang si Ingrid Domingo.

“Actually, nu’ng una ko siyang nakita, wala akong nagawa kundi natulala na lang talaga ako sa kanya kasi ang ganda niya tapos ang galing niya pa umarte,” ang pag-amin ni Sanya sa virtual launch ng Sparkle’s Next Brightest Stars of 2022.

“Kaya na-excite talaga akong makatrabaho siya nu’ng nabalitaan ko pa lang na makakasama ko siya sa First Lady,” chika pa ni Sanya.

Kuwento pa ng Kapuso sexy actress, siguradong mas magiging exciting ang kuwento ng “First Lady” sa pagdating ng karakter ni Alice sa serye. Kahit daw sila ay nagulat sa twists and turns sa book 2 ng”First Yaya.”

“Kung nagustuhan nila ‘yung First Yaya, mas lalo nilang magugustuhan ang part two ngayon na mas pinagbutihan at ginawang masaya pa lalo ng aming direktor na si Direk LA (Madridejo) at mga writer itong kuwento ng First Lady.

“Abangan n’yo rin ang mga bagong karakter na dadating dito. Of course, si Ingrid, ano nga ba ang mangyayari kay Ingrid at kay Melody. Ano nga ba ang magiging ganap niya rito?” lahad pa ni Sanya.

Mapapanood na very soon sa GMA Telebabad ang “First Lady” kaya abangan n’yo na lang ang pagbabalik ng mga paborito n’yong karakter sa minahal n’yong Kapuso series.

Samantala, todo naman ang pasasalamat ni Sanya sa pagkakapili sa kanya bilang isa sa walong banner stars ng Sparkle, ang bagong pangalan ng GMA Artists Center ng GMA.

Pero nilinaw ng aktres na walang dapat maging issue ang pagkakapili sa kanya at sa pito pang Kapuso stars bilang talents ng Sparkle.

Aniya, “Gusto ko lang linawin na yung Sparkle, e, hindi lang po tungkol sa aming walo.

“Yung Sparkle, para po sa akin, ay katulad din naming maraming nangangarap, mga talent na nangangarap pong mag-sparkle din.

“Itong Sparkle po, very thankful talaga kami na napili kaming walo para i-represent at ang maipapangako po lang namin ay hindi namin sisirain ang tiwala,” paliwanag ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Sanya Lopez inaming ‘ideal man’ si Daniel Padilla

Sino nga ba ang ‘ultimate leading lady’ ni John Lloyd Cruz?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending