Lolit Solis hanga kay Boy Abunda: Deserving ka sa lahat ng natatanggap mong biyaya sa buhay | Bandera

Lolit Solis hanga kay Boy Abunda: Deserving ka sa lahat ng natatanggap mong biyaya sa buhay

Therese Arceo |September 13,2023
facebook
share this

Lolit Solis hanga kay Boy Abunda: Deserving ka sa lahat ng natatanggap mong biyaya sa buhay

Therese Arceo - September 13, 2023 - 07:35 PM

Lolit Solis hanga kay Boy Abunda: Deserving ka sa lahat ng natatanggap mong biyaya sa buhay

PINURI ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang King of Talk na si Boy Abunda dahil sa abilidad nitong i-manage ang kanyang oras.

Sa kanyang recent Instagram post ay ibinahagi niya kung paano siya humahanga sa kapwa talent manager dahil nahahawakan nito nang maayos ang kanyang oras sa kabila ng dami ng ginagawa nito sa buhay.

“Parang ubos na ang oras ni Boy Abunda sa dami ng programa niya Salve. Halos buong isang linggo ang mga programa niya sa GMA7,” pagbabahagi ni Lolit.

Inisa pa nga ng talent manager ang mga programa ng King of Talk gaya na lang ng “Fast Talk with Boy Abunda”, “Cayetano in Action with Boy Abunda”, “Battle of the Judges”, at isama mo pa ang iba pa nitong mga ginagawa.

“Sey pa ni Lolit, “Talagang hanga ako sa time management ni Boy Abunda at sa energy niya sa trabaho. Talagang ito ang gustong gusto niya, mga trabaho na maligaya niyang ginagawa.

“Kaya naman everyday nasa kanyang element si Boy Abunda.”

Baka Bet Mo: Lolit Solis awang-awa sa sinapit ni Jay Sonza: ‘Sayang talaga, parang itinapon mo ang buhay mo na ang ganda-ganda na sana’

Chika pa ni Lolit, tila raw hindi ito nawawalan ng energy kahit mababakas mo ang pagod sa itsura .

“Hindi nawawala ang energy at wit niya kahit pa nga iisipin mong pagod na pagod na siya,” sabi pa ni Lolit.

Aniya, kung anuman ang natatanggap ni Boy ay talagang deserve niya dahil na rin sa sipag at kabutihang ginagawa nito ang kanyang pamilya.

“Mabuhay ka Boy Abunda, for a person so generous and so kind, deserving ka ng lahat ng natatanggap mong biyaya sa buhay,” lahad pa Lolit.

Pagpapaalala pa niya, “Ingatan lang ang health dahil bawal magkasakit. Basta masaya ka, happy din kami. Bongga..”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Boy Abunda pag-aari ang ‘Fast Talk’ kaya nagamit sa GMA; unang pasabog ang interview kina Marian, Bea, Alden at Paolo

Lolit Solis sa karera ngayon ni Willie Revillame: Sa isang iglap bilang naging laos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending