Cayetano kumasa sa challenge ng ‘CIA with BA’, hiniritan ni Mocha Uson
“DEBATE sa Senate o debate kay misis?”
Isa ito sa mga tanong na sinagot ni Alan Peter Cayetano sa nakaraang episode ng “CIA with BA” sa isang espesyal na edisyon ng segment na “Payong Kapatid” bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Ang tanong ay mula kay Angelo Borlongan, isang pulis na minsang itinampok sa segment na “Salamat.”
“Mas madali sa Senate. Kahit paano may panalo ako do’n sa debate. Kay misis, kahit panalo, talo pa rin. Kay misis, pakiusap, hindi debate,” birong hirit ni Sen. Alan.
Isa pang tanong ang nagmula kay Mocha Uson, “Paano ba maging feeling young forever? Anong sikreto mo?”
Baka Bet Mo: Mo Twister binanatan si Bongbong Marcos: He’s never been in a job interview
Sa pagkakataong ito, seryosong sinagot ng senador ang tanong, “Ang dami kong gustong sabihin pero bottomline is tiwala lang sa Panginoon. Live by faith, not by sight.”
Nagbigay naman ng mas seryosong tanong ang musikero na si Jimmy Bondoc, “Is being a Christian an asset or a liability in the political world? I really want to know.”
“It’s not about being an asset or a liability. It’s really what you value. So to me, seeking God’s kingdom, being a Christian, is everything. If you go into public service and you have to give that up, public service is not worth it,” sagot niya.
Bilang pagtatapos, sinabi ni Cayetano, “This birthday, I know it’s special, but there are so many people struggling din so I hope Ate (Pia), Kuya Boy (Abunda), myself, the show, our family can also be a gift to you. We hope to continue to do more through ‘CIA with BA.’”
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Tito Boy kay Sen. Alan habang binabati ito, “Nais kong magpasalamat kay Kuya Alan for all the things you do for us, this country at higit sa lahat, for showing us that you can be a Senator and be childlike at the same time.”
“Continue to be an inspiration to many people,” dagdag ni Sen. Pia, kapatid ni Alan at co-host ng programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.