'Christmas In Action' ng 'CIA with BA' may pa-free concert

‘Christmas In Action’ ng ‘CIA with BA’ nakatulong na may pa-free concert pa

Ervin Santiago |December 27,2023
facebook
share this

‘Christmas In Action’ ng ‘CIA with BA’ nakatulong na may pa-free concert pa

Ervin Santiago - December 27, 2023 - 12:24 PM

'Christmas In Action' ng 'CIA with BA' nakatulong na may pa-free concert pa

Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano

“KAYA tayo ‘in action,’ kasi ‘action speaks louder than words.”

Ganito inilarawan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang special episode ng kanilang programang “CIA with BA” nitong bisperas ng Pasko, December 24.

Tinawag na “Christmas in Action,” itinampok sa episode ang ilan sa mga dating naging guest subject sa “Case 2 Face” segment na mga nagkaayos na.

“This is the joy of Christmas. Nu’ng unang punta nila dito, talagang parang magpapatayan tapos talagang I’m so offended when I see yung lack of respect sa parents,” sabi naman ni Sen. Pia Cayateno.

Para naman sa award-winning host na si Boy Abunda, “Ang sarap ng pakiramdam at ang sarap isipin na kahit sa munting paraan ng ating programa ay naging daan para maging magkaibigan ang mga hindi nag-uusap. Kahit man lamang po doon ay fulfilled tayo.”

Baka Bet Mo: Boy Abunda ibinuking ang pagiging emosyonal ng mga co-host sa ‘CIA with BA’: ‘Lalo na pagdating sa mga kaso ng kabataan at kababaihan’

Naging instant concert treat din sa Mariteam at mga manonood ang episode dahil sa performances na hatid ng 4th Impact, young violinist Shammah Alegado, Bugoy Drilon at Kapuso star na si Rita Daniela.

“What a better way to celebrate Christmas with people we work with and people who we have come to know as family,” pagbabahagi ni Pia.

Sa pagtatapos ng programa, ipinaalala ni Kuya Alan na, “Even without written law, may tinatawag na natural law. Sinasabi parati, ‘du’n tayo sa tama,’ ‘di ba? Even without ‘yung batas na pinapasa ng mga legislator, alam naman natin kung ano ‘yung tama at mali.”

“And while we wish you a Merry Merry Christmas, tama na mahalin ang Diyos, tama na mahalin ang kapwa,” aniya pa.

Nominado bilang Best Talk Show sa 45th Catholic Mass Media Awards, ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘
“Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m.  sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending