Boy Abunda ibinuking ang pagiging emosyonal ng mga co-host sa ‘CIA with BA’: 'Lalo na pagdating sa mga kaso ng kabataan at kababaihan' | Bandera

Boy Abunda ibinuking ang pagiging emosyonal ng mga co-host sa ‘CIA with BA’: ‘Lalo na pagdating sa mga kaso ng kabataan at kababaihan’

Ervin Santiago |November 16,2023
facebook
share this

Boy Abunda ibinuking ang pagiging emosyonal ng mga co-host sa ‘CIA with BA’: ‘Lalo na pagdating sa mga kaso ng kabataan at kababaihan’

Ervin Santiago - November 16, 2023 - 07:56 AM

Boy Abunda ibinuking ang pagiging emosyonal ng mga co-host sa ‘CIA with BA’: 'Lalo na pagdating sa mga kaso ng kabataan at kababaihan'

Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano

NAGPAHAYAG ng paghanga ang award-winning TV host na si Boy Abunda para sa magkapatid na Sen. Alan Peter at Pia Cayetano, ang kanyang mga co-hosts sa “CIA with BA.”

Sa ikalawang bahagi ng “Producer’s Cut” ng public service program na ipinalabas nitong Linggo, November 12, inilarawan ni Tito Boy kung paano hinaharap at ineestima ng mga Cayetano ang mga kaso at problema na kanilang dinidinig mula sa iba’t ibang tao na dumudulog sa show.

“Dito, nakikita natin si Ate Pia at si Kuya Alan kung paano maging objective bilang mga abogado, nakikinig sa detalye, nagpa-problem solve, ika nga,” kwento niya.

“They listen and they dispense pieces of advice na nanggagaling sa isipan ng mga abogado. Tunay na kahanga-hanga,” sabi pa ng premyadong TV host.

Ipinunto ni Tito Boy kung anu-anong klase ng mga isyu ang higit na nakaaapekto sa mga host na mambabatas.

“May mga issues na nagiging emosyonal si Kuya Alan at Ate Pia. Si Kuya Alan sa mga governance issue, sa mga public service na usapin, si Ate Pia, pagdating sa mga kaso na may kinalaman sa children’s rights, women’s welfare, she is involved, she fights,” sabi niya.

Baka Bet Mo: Boy Abunda, Alan Peter Cayetano ramdam na ramdam ang bigat ng kalooban ng mga nagrereklamo sa ‘CIA with BA’

Bukod sa kanyang mga co-host, inihayag rin ni Tito Boy ang kanyang mataas na pagtingin sa mga tao na matapang na nagbabahagi ng kani-kanilang kwento sa programa, sila man ay hihingi ng tulong o nais magsilbing inspirasyon para sa iba.

“Pero hindi lamang sina Kuya Alan at Ate Pia ang hinahangaan ng mga humihingi sa atin ng payo,” ani Tito Boy.

“Lahat tayo maraming natutunan, hindi lamang sa mga abogado, at kina Kuya Alan, Ate Pia. Madalas, marami tayong napupulot na aral sa mga taong humihingi ng payo, sa mga taong humihingi ng tulong,” sabi pa niya.

Kasalukuyang nasa ikaapat na season na ang “CIA with BA” na nagsimula  noong February 5, 2023.

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia at Tito Boy tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending