Boy Abunda, Alan Peter Cayetano ramdam na ramdam ang bigat ng kalooban ng mga nagrereklamo sa ‘CIA with BA’
APEKTADO ang King of Talk na si Boy Abunda at ang magkapatid na Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano sa nakaraang episode ng kanilang weekly program sa GMA 7.
Sa episode ng “Cayetano in Action with Boy Abunda” nitong Araw ng Pagkabuhay, April 9, hindi napigilan nina Tito Boy at Sen. Alan Peter na maglabas ng kanilang saloobin sa tinalakay nilang isyu at problema.
Ito’y matapos ngang harapin at talakayin ng programa ang reklamo ng mga magulang na ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa mga anak.
Dalawang kaso ang kanilang dininig kabilang na nga riyan ang reklamo ng lolo sa kanyang manugang matapos nitong subukang ibenta ang anak.
Kasunod nito ang mag-asawa na nagreklamo matapos bawiin sa kanila ang bata na inalagaan sa loob ng 13 taon, nang walang kalaban-laban.
View this post on Instagram
“‘Yung mga sama ng loob, mararamdaman mo talaga,” ang pag-amin ni Sen. Alan.
“Mag-game show na lang tayo, Kuya Boy,” ang pabiro pa niyang sabi dahil nga sa bigat ng topic.
Pagsang-ayon naman ng award-winning veteran TV host, “I didn’t realize how difficult it is until you really hear the stories.”
Seryosong saad naman ng senador, “Kasi gusto natin win-win talaga palagi pero may mga pagkakataon talaga na may masasaktan, e.
“And katulad nito, ‘di ba kapag pamilya na ang pinag-uusapan, anak na ang pinag-uusapan, mabigat talaga. But we’re hoping that this show will help others be guided,” dagdag pa ng senador.
Samantala ngayong darating na Linggo, Abril 16, tatalakayin naman ng “CIA with BA” ang isang isyu tungkol sa utang kaya siguradong maraming makaka-relate sa kontrobersyal na usaping ito.
Ang “CIA with BA”, na unang ipinalabas noong February 5, ay ang pinakaunang public service program nina Sen. Alan at Sen Pia bilang mga legal adviser sa telebisyon.
Tuwing Linggo, 11:30 p.m. sa GMA 7, matututo ang mga manonood tungkol sa mga batas ng bansa at paano nakakaapekto ang mga ito sa pang-araw-araw nilang mga buhay.
Ipinagpapatuloy ng magkapatid na senador ang naiwang legacy ng kanilang pumanaw na ama at original na Compañero na si Sen. Rene Cayetano, na namuno at nag-co-host ng popular na legal advice program na “Compañero y Compañera” sa radyo at telebisyon mula 1997 hanggang 2001.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.