Video ni Rufa Mae Quinto habang iniinterbyu ni Boy Abunda viral na: 'Yung diretso ka ng trabaho na wala pang kape?!' | Bandera

Video ni Rufa Mae Quinto habang iniinterbyu ni Boy Abunda viral na: ‘Yung diretso ka ng trabaho na wala pang kape?!’

Ervin Santiago |April 10,2023
facebook
share this

Video ni Rufa Mae Quinto habang iniinterbyu ni Boy Abunda viral na: ‘Yung diretso ka ng trabaho na wala pang kape?!’

Ervin Santiago - April 10, 2023 - 07:05 AM

Video ni Rufa Mae Quinto habang iniinterbyu ni Boy Abunda viral na: 'Yung diretso ka ng trabaho na wala pang kape?!'

Rufa Mae Quinto

NAKAKALOKA! Tawa kami nang tawa sa napanood naming video ni Rufa Mae Quinto habang iniinterbyu ng King of Talk na si Boy Abunda.

Matagal na itong nangyari pero biglang nag-viral nang may isang Facebook user na nag-upload ng video clip sa kanyang account na talaga namang pinagtawanan ng mga netizens.

“’Yung diretso ka ng trabaho na wala pang kape,” ang caption ng FB user na si Raymund Ramirez Seranillo sa ibinandera niyang video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)


Kung hindi kami nagkakamali, bahagi ito ng panayam ni Tito Boy sa segment niya noon na “Ikaw Na” sa dating Kapamilya late night news program na “Bandila”.

Mapapanood dito ang tila pagiging “lutang” o “sabaw” ni Rufa Mae dahil hindi niya magetsing ang nais ipagawa ni Tito Boy sa kanya bago tapusin ang segment at para tuluyan na silang magpaalam sa ere.

Baka Bet Mo: Rufa Mae sa epekto ng pandemya: Parang naging horror film ang buhay!

Kahit paulit-ulit na ang TV host sa pagtatanong sa kanya at pagpapaalala kung ano ang dapat niyang isagot sa kanyang tanong ay hindi pa rin magawa ng komedyana dahil nga parang “lutang” ang kanyang isipan.

Sey ni Tito Boy kay Rufa Mae, “Alam mo na ‘yung gagawin natin ha.”

“Ano?” ang sagot ni Rufa Mae.

Unang hirit ng TV host, “Rufa Mae Quinto, ikaw na!”

“Ako na nga!” ang sagot ng beteranang komedyana.


Natatawang paalala ni Tito Boy sa kanya, “Hindi nga, ‘yung sinabi ko sa ’yo kanina.” Pag-ulit ng TV host sa kanyang question, “Rufa Mae Quinto, ikaw na!”

Hirit naman ng Kapuso comedienne, “Ba’t ako?” Na sinagot ni Tito Boy ng, “Ikaw nga eh, ‘di ba sasagot ka sa ‘kin?”

“Ay oo nga pala! Uy, gabi na, madaling araw na ‘to! Yes, Tito Boy!” ang tila nahimasmasan nang chika ni Rufa Mae.

“Rufa Mae Quinto, ikaw na!” sabi uli ni Tito Boy na nireplayan ng aktres ng,  “Tito Boy…Ikaw na! Yessss! Go, go, go!”

Halos lahat ng nakapanood ng video ay iisa ang reaksyon, napatawa na naman sila ni Rufa Mae nang bonggang-bongga! Ibang klase raw talaga kung humirit ang komedyana – pak na pak!

Rufa Mae Quinto nilaro ang song number sa ‘All Out Sundays’, netizens tawang tawa: Let it go go go!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rufa Mae napabayaan ang sarili, inatake ng depresyon sa US: Pero lumaban ako at kinaya ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending