Rufa Mae sa epekto ng pandemya: Parang naging horror film ang buhay!
Rufa Mae Quinto
KAHIT paano’y may dagdag na kita ngayon ang komedyanang si Rufa Mae Quinto dahil sa kanyang pagiging vlogger.
Hanggang ngayon ay nasa Amerika pa rin si Rufa Mae kasama ang asawa at anak. Doon na kasi siya inabutan ng pandemya at mahigit isang taon na ring namumuhay doon.
Aniya, talagang apektado rin sila roon ng COVID-19 pandemic kaya naman nagpapasalamat siya dahil kahit walang regular na trabaho, kahit paano’y kumikita pa rin siya sa pamamagitan ng vlogging.
Ayon kay Rufa Mae, matagal-tagal na rin siyang hindi umaarte sa harap ng mga camera kaya naisipan niyang ipagpatuloy ang pagba-vlog sa YouTube.
“Parang naging horror film ang buhay. Parang nakakanerbiyos, takot ka, malungkot ka dahil sa mga nangyayari sa buong mundo.
“Tapos siyempre wala kang taping, wala ka na lang gagawin kundi sa bahay, wala kang mapupuntahan kasi nga bawal lumabas,” pahayag ni Rufa nang mag-guest siya sa “iJuander” ng GTV.
Kuwento ng komedyana, nagdesisyon siyang ipagpatuloy paggawa ng vlog na inumpisahan niya noon pang 2018 para malibang at makapagbigay ng kaunting saya sa kanyang mga tagasuporta.
Sa ngayon, meron na siyang mahigit 400,000 subsrcibers kaya namo-monitize na rin ang kanyang YouTube channel.
“Ako lang ang nagsu-shoot, script directing and all. Lahat-lahat na all around talaga. Pero may editor sa Philippines. Marami sa ating magagaling talaga eh,” pahayag ni Rufa Mae.
Bukod sa personal niyang YouTube account, meron pa siyang isang channel, ang “Wander Mamas” kung saan kasama naman niyang nagba-vlog ang kaibigan niyang aktres din na si LJ Moreno na nag-migrate na rin sa Amerika.
* * *
Dahil sa taglay na ganda, kaseksihan at kakaibang karisma, tinatawag na ngayong bagong Pantasta ng Bayan ang Kapuso actress na si Claire Castro.
Napapanood ang dalaga tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime series na “Nagbabagang Luha” kasama sinq Glaiza de Castro at Rayver Cruz.
Ano nga ba ang reaksyon ng aktres sa titulong ikinakabit ngayon sa pangala niya? “I’m not sure what ‘pantasya’ means po, but thank you, whatever it means.
“Thank you po sa inyong lahat na nanonood, na-appreciate ko po ‘yung comments, negative or not,” aniya sa panayam ng GMA.
Paseksi ang role ni Claire bilang si Cielo sa TV adaptation ng 1988 romantic drama film, “Well, as Claire po, masu-surprise po kayong malaman na very comfy lang po talaga ako manamit, very mahinhin, a little bit bit very opposite po sila ni Cielo.
“I like being comfortable also but I like being challenged, especially po which is very daring, very sexy. Very opposite po pero I love a good challenge naman and I’m comfy naman with my body and how I look and I’m okay with flaunting it,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.