Rufa Mae Quinto nilaro ang song number sa 'All Out Sundays', netizens tawang tawa: Let it go go go! | Bandera

Rufa Mae Quinto nilaro ang song number sa ‘All Out Sundays’, netizens tawang tawa: Let it go go go!

Therese Arceo |September 14,2022
facebook
share this

Rufa Mae Quinto nilaro ang song number sa ‘All Out Sundays’, netizens tawang tawa: Let it go go go!

Therese Arceo - September 14, 2022 - 04:28 PM

Rufa Mae Quinto nilaro ang song number sa 'All Out Sundays', netizens tawang tawa: Let it go go go!
ALIW na aliw ang madlang pipol sa naging performance ng actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto nang mag-perform ito sa “All Out Sundays”.

Sa naturang musical-variety noontime show ng Kapuso network ay nakipagsabayan ang komedyana sa biritan kasama ang “The Clash” standouts na sina Thea Astley at Mariane Osabel sa kanilang song number.

Kahit na waging-wagi ang dalawang kasama sa kantahan ay hindi pa rin nagpalamang si Rufa Mae at sa katunayan ay mas tumatak pa nga sa netizens ang kanyang pagkanta.

“Yes. I dedicate this song to myself. I hope I like it,” biro pa niya bago kumanta.

At nang kumanta na nga si Rufa Mae ay tila nagkaroon ito ng sarili niyang bersyon ng sikat na Disney song na “Let It Go,” ng pelikulang “Frozen”.

“Let it go go go!” kanta ng sexy comedienne na isinali ang famous line niyang “go go go!” sa lyrics ng kanta.

Sinabayan naman si Rufa Mae nang dalawa sa trip nito sa pagkanta ng sikat na sikat na awitin sa mga chikiting.

Bukod sa “Let It Go” ay may sarili ring bersyon ang actress-comedienne sa kantang “Where Do Broken Go” at “Wake Me Up Before You Go” na pawang nilagyan niya rin ng twist at isinama ang kanyang famous line na “Go go go” with feelings.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)

Marami ang natawa sa pagkanta ni Rufa Mae at sinabing nilaro na naman daw niya ang mga magagaling na singer na kasama sa naturang song number na agad na nag-trending sa social media.

Comment ng isang netizen, “LT talaga ‘to lalo na nung nasa studio. Kudos to Thea and Marianne galing pa din ng harmonization. Thea as always ang galing galing and so gorgeous.”

“In fairness ito ‘yung comedy performance na hindi masakit sa tenga kasi sumasabay sa tono si Rufa Mae.. like if serious lang to, ang ganda ng magiging version niya,” saad naman ng isang netizen.

“Hahaha. Lakas ng tama ng performance na ito. Mabuti nakaya ng mga real singers makipagsabayan kay Rufa Mae,” dagdag naman ng isa.

Marami naman sa mga netizens ang nag-aabang kung ano pa ang magiging susunod na pakulo at pasabog ng sexy comedienne sa susunod nitong production number.

Related Chika:
Rufa Mae Quinto nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid: Grabe pala malagasan, iba din!

Rufa Mae sa epekto ng pandemya: Parang naging horror film ang buhay!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rufa Mae Quinto napabayaan ang sarili, inatake ng depresyon sa US: Pero lumaban ako at kinaya ko

Rufa Mae ibinuking si Robin nang makasama sa shooting: Grabe siya! Uubusin ang pera niya para sa bayan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending