Rufa Mae ibinuking si Robin nang makasama sa shooting: Grabe siya! Uubusin ang pera niya para sa bayan! | Bandera

Rufa Mae ibinuking si Robin nang makasama sa shooting: Grabe siya! Uubusin ang pera niya para sa bayan!

Ervin Santiago - June 16, 2022 - 06:47 AM

Robin Padilla at Rufa Mae Quinto

SA nalalapit na pag-upo sa posisyon ng action star na si Robin Padilla bilang senador, marami ang umaasa na kahit paano’y bubuti na ang kalagayan ng Pilipinas.

In fairness, nagkaroon ng pag-asa ang mga Filipino na bumoto kay Robin na nagluklok nga sa kanya sa unang pwesto sa naganap na senatorial race last May 9, 2022.

Marami rin sa mga kapwa niya celebrities ang umaasa na sana’y marami ngang magawa ang mister ni Mariel Rodriguez sa Senado bilang isang mambabatas.

Isa na nga riyan ang veteran comedienne na si Rufa Mae Quinto na malaki ang tiwala kay Robin na makakagawa ng mga batas para sa interes ng mga mahihirap at nangangailangan nating mga kababayan.

Sabi ng komedyana, proud na proud daw siya sa kaibigang aktor at very positive siya sa kakayahan at kabutihan ng loob ni Binoe na siyang magiging sandata nito sa pagseserbisyo-publiko.

Sa panayam namin kay Rufa Mae sa naganap na presscon ng bago niyang comedy show sa GTV, ang “TOLS” nagbigay nga siya ng ilang insidente kung saan napatunayan niya kung gaano kalaki ang puso ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)


“Sobrang proud kaya ako sa kanya. At saka, deserve niya ’yon. Si Robin, dati ko pang kasama sa mga pelikula, sa VIVA kami, ’di ba?

“Ano talaga siya, mahilig siyang magbigay at tumulong. Alam n’yo naman ’yon, e. Uubusin para sa bayan,” kuwento ni Rufa Mae.

Dito nga naibahagi ng komedyana ang naging karanasan niya noong magkasama sila ni Robin sa isang pelikula ng Viva ilang taon na ang nakararaan. Kung hindi kami nagkakamali iyo yung “Kailangan Ko’y Ikaw” na pinagbidahan nina Robin at Regine Velasquez.

“Like noon, nagsu-shoot kami, biglang may magkakasakit. Ang gagawin niya, lahat ng pera niya, ibibigay niya. Matetengga kami ngayon dahil dadalhin pa sa hospital, hindi lang bibigyan.

“Ganoon siya. Kaya sabi ko, worth it talagang maging senator. Kaya ako rin magse-senador na!” ang tawa nang tawang chika ni Rufa Mae.

Sa isang panayam, siniguro ni Robin na 100 percent na siyang handa sa paglilingkod sa bayan, “Lahat madali. Wala namang mahirap kasi gusto mong gawin, eh.

“Kapag gusto mong gawin, madali lang iyon. Medyo ano lang, naninibago lang ako kasi hindi naman ako…summa cum laude ako sa cutting classes noong araw. Iba na ngayon. Ako na ngayon naghahanap ng gagawin,” aniya pa.

Ready na rin daw siya pakikipagdebate sa mga Senate hearing at muli niyang ipinagdiinan  na Filipino ang gagamitin niya sa kanyang mga speech.

“Una, hindi naman Amerikano iyong mga kaharap ko para mag-English ako. Siguro kung Amerikano, well, I’m willing to debate. Pero mga Tagalog sila e, e di, Tagalog tayo,” katwiran ni Robin.

Mensahe pa niya sa lahat ng mga nagtiwala sa kanya, “Sa mga bumoto sa akin at sa mga hindi bumoto, ako’y nandito upang irepresenta po kayo. Iyan ang aking role. Iyan ang binigay niyo sa aking mandato. Kung anumang ginagawa ko rito, hindi para sa akin kundi para sa inyo.

“Kung gusto natin talaga na magkaroon ng tunay na pagbabago, mga mahal kong kababayan, yakapin na natin talaga ang charter change,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/292002/rufa-mae-sa-epekto-ng-pandemya-parang-naging-horror-film-ang-buhay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/315402/gustung-gusto-ko-rin-naman-sa-us-pero-wala-akong-kausap-dun-nosebleed-na-nosebleed-ako-everyday
https://bandera.inquirer.net/285441/rufa-mae-iyak-nang-iyak-hirap-na-hirap-ako-nung-una-parang-end-of-the-world-na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending